Chapter 67: #4

3 0 0
                                    

Talya

Sa paglipas ng mga araw ay unti-unti na rin akong naging kumportable kay Adam. Araw-araw kaming magkasama sa school at tuwing sabado't linggo ay dumadalaw siya sa bahay. At kung minsan naman ay niyaya niya akong lumabas. Inaamin kong gusto ko siya ngunit hanggang  dun lang iyon dahil hanggang ngayon ay nakasanla pa rin ang puso ko kay Kismet.

Sa tuwing makakasalubong ko siya sa school ay nagkukunwari na lamang akong hindi ko siya nakikita. At madalas dumadalaw sa school si Natalia, dahilan para mas lalong naging awkward. Nagpapansinan din kami pero hindi kami ganoong nag-uusap.

"Mauna na kayo sa canteen. Susunod ako," sabi ko nang natapos ang klase namin sa umaga.

"Bakit, sa'n ka pupunta?" tanong ni Aizy.

"May isasauli lang ako," tugon saka nauna nang lumabas ng sili-aralan.

❇❇❇
Third person

Tumungo si Talya papunta sa lumang silid-aklatan para isauli ang hiniram niyang libro na naglalaman ng mga tula ng mga kilalang manunulat.

Lingid sa kaalaman niya na habang naglalakad siya ay may sumusunod sa kanyang likuran. Nang nakarating siya'y agad siyang pumasok at inilagay sa pinakababa lang ang libro.  At nang lalabas na siya ay may biglang humatak sa kanya at niyakap siya nang mahigpit mula sa likod. Kahit hindi niya na tingnan pa kung sino, alam niya na dahil sa pamilyar na mainit na haplos nito.

"Let go of me," mariin na utos ni Talya sa kanya habang pilit na kumakalas sa mahigpit niyang yapos.

"Hayaan mo muna akong gawin 'to kahit saglit," anang kismet. Bakas sa boses nito ang kalungkutan at pangungulila.

Sa loob-loob ni Talya ay gusto niyang humarap sa kanya at yakapin din siya. Namimis na nila ang isa't-isa subalit pawa silang nakatakdang ikasal sa iba.

"Hindi mo na dapat 'to ginagawa. Wala na tayo kaya sana tigilan mo na 'to. Masasaktan si Natalia pag nakarating ito sa kanya," malumanay na sabi ni Talya sa kanya habang yakap siya nito. Nakapatong pa ang ulo niya sa balikat ng babae.

"I still love you Talya," pagtatapat nito.

Nadurog ang puso nito sa kanyang narinig. Iniisip ni Talya kung bakit niya pa sinasabi ang mga katagang iyon pagkatapos niyang sabihin ang masasakit na salita noong nagkita sila sa parke na madalas nilang puntahan.

Nag-ipon siya ng lakas saka buong lakas na     inalis ang kamay nito. "I should go."

At naiwang mag-isa si Kismet. Pagkalabas niya ay si Adam bumungad sa kanya.

"What are you doing here?" tanong niya sa kanya.

"Ako dapat ang magtanong niyan sa'yo," anang Adam.

"Sinauli ko lang iyong librong hiniram ko."

Bahagyang tumaas ang isang kilay nito, "Ah... Iyong librong puno ng poems?"

Tumango si Talya. Agad namang lumabas si Kismet mula sa loob na siyang ikinagulat ni Adam. Nagsukatan sila nang tingin. Napansin ni Talya ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya hinila na niya si Adam paalis. "Let's go," ani Talya.

At habang papalayo ang dalawa ay nakatingin si Kismet sa kamay ni Talya na nakahawak sa kamay ni Adam.

❇❇❇
Talya

"Saan kayo galing...?" tanong ni Aizy habang papalapit samin. Nagkasalubong kami sa hallway.

"And why are you holding his hand?" Era asked, raising a brow.

Truelove never failsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon