Chapter 13: Eavesdropping and denying

9 1 15
                                    

Talya's POV

Dumaan ang halos dalawang buwan at natapos na rin ang linggo ng paghihirap. Natapos ang midterm exams noong nakaraang lingo---hindi naman naging masama ang kalalabasan ng grado ko. Mehehehehe
Worth it naman ang nilaan naming oras sa pag-aaral.

Gayunpaman, hindi pa rin natatapos ang pagiging abala ng bawat colleges at ng bawat estudyanteng naghahanda para sa darating na paligsahan. Katulad na lamang nina Howard, Kismet, Francis, Brian and Denmark na kapwa Varsity.

Kasama ko ngayon ang Fantastic babes---naglalakad kami sa hallway ng CLA building Papuntang Gym para manood ng practice ng mga boys. Nasa kabilang pikas lang naman iyong gym---mga nine meters away from CLA building. Pero, syempre, ilang hakbang pa ang tatahakin namin bago makalabas ng building.

"Gawd, ang bilis ng araw e, noh?" Singhal ni Grace.

"I feel like we're getting old na," Era said exaggeratedly as if she's on her thirties or something.

Overacting ka e,noh?

"Yes, you're getting old, so act one's age!" Pangangaral ni Aizy kay Era.
Inirapan lang siya nito.

"Nye. Nye. Nye," pang-aasar ni Grace Kay Era.

"Ugly!" Era snorted. Grace stuck her tongue out at her.

"Maghunusdili nga kayong dalawa," awat ko sa kanilang dalawa. Grace and Cristy chuckled.

"Cut it off, Cristy," Era threatened her. Napatigil naman sa pagtawa si Cristy.

Nang nakalabas na kami ng building, nakaramdam ako ng pagsikip ng pantog ko---I mean, naji-jingle ako.

"Um---eh, mauna na kayo, I need to go to the comfort room," I said, pacing towards the other direction.

"Okay, sunod ka na lang," Aizy said.
I waved my hand at them and rushed off towards the comfortroom.

Dali-dali akong pumasok. Thank God! Wala masyadong tao. I dropped my bag on the side of the sink, and rushed into the nearest cubicle.

Pagkatapos ng sesyon(alams na), dali-dali akong nagsuot ng dapat na isuot. Bubuksan ko na sana ng biglang may nagsalita.

"Jeez, hanggang kailan ba natin ito titiisin?!" Iritang sabi nito.

At dahil sa curiosity ko, idiniin ko ang aking mahiwagang tainga sa pinto. Eavesdropping moment!

"Easy----easy---well, I missed him too, but we have to endure," sabi ng isa pang boses.

Grrrr, they're having a confession of the bitches---interesting!

"Until when?!" Isa pang boses ang nagsalita.

"We can't stay any longer, It's too painful seeing Brian with her," another voice said.

I thought, tatlo lang sila---hmph!

Wait---what? Brian? They're talking about Brian? Oh my gosh kabit siya ni Brian? Karibal siya ni Aizy?

"I feel you girl, cause I'm feeling it too when I saw Howard, my love," pangungumpisal ng isa pang boses.

"Just wait, okay? We're doing this because we have to," the first voice said.

Truelove never failsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon