Chapter 30: It'll be a cold in hell when that happens

2 1 0
                                    

Talya's POV

"Yeah? What about Cristy?" Balik tanong ko sa babaeng nasa kabilang linya.  Malapit na sana ako sa ending eh. Malalaman ko na sana kung anong nangyari kina Big boss at Wolf sa North Korea; but unfortunately, tumawag itong Erang 'to dahilan para i-pause ko muna iyong pinapanood kong Korean drama na pinamagatang 'Descendants of the Sun'.

"She's with that wacko!" Sigaw niya na siyang nag-udyok sa akin na ilayo konti iyong phone sa tainga ko. Baka masira pa ang eardrum ko. Mahirap na.

"Huwag ka ngang maingay. Nasa sinehan tayo," suway sa kanya ng isang pamilyar na boses. Kung hindi ako nagkakamali, si Francis iyon.

Aba! Dumada-moves na ang mga ungas ah. Wait, pumayag si Era na manood ng sine kasama ang babaerong iyon? Naku! Ang dilim-dilim pa naman sa sinehan.

"Are you with that womanizer, Erz?!" I squealed.

Napamura ito nang mahina saka inis na sumagot ng, "Huwag ka ngang ano diyan. Sina Cristy ang paksa, hindi ako."

"Mag-iingat ka diyan sa Francis na iyan!" Mariin kong babala sa kanya.

"Huy! Huwag ka ngang malicious minded diyan, Talya!" sigaw ni Francis sa kabilang linya na sa tingin ko ay lumapit pa kay Era para sumingit sa usapan namin.

"Lumayo ka nga sa akin!" narinig kong pagtataboy sa kanya ng kausap ko.

I tsk'd. "So ano ang tungkol kina Cristy and Denmar?" Pagbabalik ko sa paksa.

"Alam mo bang nagde-date sila ngayon?" Hindi makapaniwalang wika niya.

I rolled on my bed to switch position. "No," I replied, looking at no particular direction. "How did you even know? Hindi naman mahilig mag-share iyong baliw na iyon eh. Lalo na kung tungkol sa buhay pag-ibig."

"I know right," she replied matter factly, then continued, "I intruded, you know."

Haaay... Ito talagang babaeng ito ang hilig hilig magbasa ng text messages ng iba. Pakunwari pang makikiselfie, iyon pala sa Messages na pumunta.

"Oh, pagkatapos?"

"I asked Francis to accompany me on my mission."

"Eh bakit kayo naandyan sa sinehan? Andyan rin ba sila?" I questioned, checking out my newly polished nails. Matte is.

I heard her sighed frustratedly. "We lost them."

Mission failed.

"Edi wow!" I sneered sarcastically.  "So ano na ang plano mo ngayon diyan?"

"Magkwa-quality time kasama ko," narinig kong sigaw ni Francis.  Narinig ko din siyang napa-aray. Marahil ay nakatanggap ito nang masarap na hampas galing kay Era.

"Huwag ka ngang sumingit sa usapan ng iba!"

Naku, para talagang aso't pusa itong sina Era at Francis. Hindi na ako magugulat kung magkatuluyan silang dalawa balang araw. Ika nga nila, "The more you hate, the more you love."

Truelove never failsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon