Chapter 29: Satur-date ⛅

3 1 0
                                    

Francis' POV 

"Will you pace a bit faster, Francis," nayayamot na wika ni Era na nauuna nang maglakad sa akin.

Kung sa tingin niyo ay sinasamahan ko siyang mag-shopping ng mga luho niya ay nagkakamali kayo. Pumarito lang naman kami sa Mall na ito para subaybayan sina Denmar at Cristy.

"Bat kasi kailangan pa nating spy-an sila, eh malalaki na naman sila," wika ko sa babaeng parang wanted detainee ang get up.

Naka plain black T-shirt lang kasi ito na tinernuhan ng faded ripped-jeans at gray converse shoes. Sinong mag-aakala na kayang magsuot ng babaeng ito ng ganoong outfit? Out fit na malayo sa tipo niyang mga fancy dresses, branded shoulder bags at heels. At heto pa, naka-poto din ang mahabang buhok nito. To top it all off, naka-itim na mask at sumbrero pa ito. Ako naman, naka kulay abo na v-neck na penshoppe shirt, Navy blue Jagger pants at simpleng gray converse shoes just like hers.

Habang siya'y nag-i-spy sa dalawa, ako naman ay pa-cool lang na nakabuntot  sa likuran niya. Nakasuksok pa ang dalawa kong kamay sa mga bulsa ng pantalon ko habang bored na nililibot-libot ng tingin ang buong paligid ng mall. Nagbabasakaling may ma-ispatan akong chicks.

At dahil sa lakas ng radar at sex appeal ko ay naka-spot agad ako ng seksing chikabebe sa hindi kalayuan. Kinindatan ko ito at napakagat ito ng kanyang labi. Sinigurado ko muna kung may kasama ba ito, at nang nasigurado kong mag-isa lang ito ay pumintig ang mga tainga ko.

Jackpot!

Akmang lalapitan ko na sana siya nang bigla namang  hilain ni Era ang laylayan ng t-shirt ko. Takte naman oh!

"At saan ka pupunta?!"

"Maglilibot-libot lang," I said, scraping my nape awkwardly. She raised her brows, narrowing her beautiful eyes at me.

"But why does that bitch over there," she pointed out, pouting her kissable lips towards that chix' direction, "eyeing at you like a hungry snake?"

In one swift movement, I intertwined my hands with hers and then pulled her with me towards the escalator.

Siya na lang muna ang gagawin kong chix ngayong araw since wala din akong takas para maghanap ng ibang makakalandiaan.

"Where are we going?" Pagrereklamo niya at pilit na tinatanggal iyong kamay ko sa pagkakahawak sa maliit niyang kamay. Mas hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa kanya.

"Tutal nawala na naman rin natin sila, manood na lang tayo ng sine," sagot ko habang hawak-hawak pa rin siya.

"Wala namang magandang palabas eh."

Nang nasa third floor na kami ay
tumungo kami sa ticket section para bumili ng dalawang tickets. Dumaan rin kami sa counter upang bumili ng popcorns and drinks. Inabot ko iyong sobreng naglalaman ng pinamili ko gamit ang kanang kamay ko habang iyong kaliwang kamay ko naman ay hawak-hawak pa rin ang kamay niya.

"Are we going to watch Beauty and the Beast? Eh napanood ko na iyon," magkasalubong na kilay na wika niya.

Huminto ako sandali upang harapin siya. Ilang pulgada lang ang layo ng mga mukha namin. "Then, samahan mo na lang akong manood," I said, winking at her before I continued heading towards the cinema 4.

She let out a mild growl, letting herself to be pulled by me.

   
   ~✳✳✳~

Truelove never failsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon