Chapter 25: Ginoong 8080 😁

5 1 0
                                    

Talya's POV

Kinabukasan ay linggo, araw ng pag-iimbak ng mga groceries at iba pang mga pangangailangan sa bahay. Today, I volunteered to go to the supermarket. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakapag-grocery para sa gamit sa bahay. Namimis ko na rin kasi eh. At tsaka, gusto ko namang paghingahin sina Manang at Yaya Pasty kahit minsa.

Before I went shopping, I told them, "Chill lang muna kayo today, okay? Magpahinga kayo at magpakasaya. If you have a date or appointment, then go. Feel free to seize the day."

Ang cool kong amo, hindi ba?

Una kong tinungo ang supermarket para mamili ng mga sabon, shampoos and conditioners, canned goods, noodles, seasonings, my fresh milks, Vita milk, Anlene for Manang Lusing and Manang Masyang, beauty products for me and for Yaya Pasty, and of course curls. Punong-puno ang cart ko ng mga pinamili ko.

For your information guys, gumawa na ako ng grocery list ko para pagkatapak at pagkatapak ko pa lang sa supermarket ay alam ko na kung saan ako mauuna at kung ano iyong mga dapat kong bilhin. Dapat organisado tayo para hayahay ang buhay, ganern!

Nang nasa counter na ako ay bigla akong nataranta. I rummaged my bag to look for it but I found nothing. Ramdam ko na iyong mga butil ng pawis na namumuo sa mukha, batok at maging pati ang palad ko ay pinagpapawisan na rin ng bonggang-bonga.

"May problema po ba, Ma'am?," Nag-aalalang tanong ni Ateng cashier.

I swallowed hard, trying to calm myself. "Ano--um," kinakabahan kong sabi.

Sa awa ng diyos ay may biglang lumitaw sa likuran ko at sinabing, "Ako na po ang magbabayad, how much?"

Ngumiti si Ateng cashier sa kanya  sabay sabing, "five thousand, seven hundred nighty-eight pesos and seventy five centavos."  

Gusto ko mang tumanggi ngunit hindi pupwede dahil wala naman akong  dalang pera dahil sa katangahan ko.  Nakalimutan ko kasing kunin iyong wallet ko sa jansport bag ko na madalas kong ginagamit papuntang school. Shoulder bag kasi ang dala ko ngayon. Organisado? tsk.

Pagkatapos niyang bayaran ang mga pinamili ko ay tumungo ito sa isang sikat na foodchain  na malapit lang sa supermarket bitbit ang dalawang malalaking grocery bags sa magkabilang kamay nito. Sumunod ako sa kanya.

When we entered, we spotted the table at the isolated corner right away. He gestured to me to go ahead first, I followed and walked towards.

Nice spot.

"Thanks," I told him, a bit embarrassed from the scenario earlier. "Bayaran ko na lang mamaya or bukas. Nakalimutan ko kasi iyong wallet ko."

"If you say so," he said,  placing the grocery bags on the vacant chairs. Good for four people kasi iyong table. "What would you like to eat?" He asked.

"Oh, I'm fine here," I said, smiling awkwardly.

"Oh, come on! Libre ko," nakangiting sabi nito habang winawagayway ang kilay niya sa akin.

Iyong pakiramdam na kakakilala niyo lang kahapon tapos papautangin ka agad ng ganoong kalaking halaga at may libreng kain ka pa? Abay napakamaginoo mo naman Koya uh?

Truelove never failsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon