Chapter 27: Igmo❓😂

11 1 0
                                    

Bryan's POV

"Umaabuso na kayo ah," nakakunot na noong pagmamaktol ni Denmar habang sapilitang nagta-type pa rin sa laptop ni Cristy.

"Abay, dapat tulungan niyo kami dito dahil unang-una sa lahat, kayo ang nagplano nito," Inis na ring wika ni Aizy sa kanya habang iyong tatlong babae ay tumango-tango pa bilang pagsang- ayon sa winika ng kanilang butihin at matalik na kaibigan.

May punto naman talaga si Aizy eh. Kaya na-postponed iyong group research nila ay dahil sa amin. Hindi naman talaga dahil sa magpapatutor kami, kung hindi dahil gusto lang naming bigyang ng oras iyong dalawa para mas maging malapit sila sa isa't isa. Kagabi kasi, napag-usapan namin iyong tungkol sa mga girls at nalaman rin namin na may namumuong pagtingin na itong si Kismet, subalit hindi maari dahil sa isang desisyon na hindi naman siya ang nagpasya. Hindi man niya ito sinabi nang diretsa ngunit sapat na iyong kanyang ekspresyon para makumpirma namin kung totoo ngang may gusto siya rito.

Ang buong akala ni Kismet ay magpapa-tutor kami sa mga kaibigan ni Talya at ang sa pagkakaalam rin niya ay magka-iba-iba kami ng venue. Kaya nga pumayag na din ito sa suhestiyon ni Francis na magpatulong rin kay Talya para sa darating na final examination na kasama rin sa plano namin.

"Pwede ka namang umatras na kung pagod na iyang mga galamay mo eh," turan ni Francis sa nagrereklamong si Denmar. Si Francis ay kasalukuyang tinutulungan si Era sa pag-aarange ng mga references in alphabetical order, habang sina Grace, Cristy at Aizy naman ay abalang-abala sa pagsa-cite ng mga pangungusap o ebidensya  tungkol sa research topic nila.

Sus! Kaya ka lang naman hindi nagrereklamo dahil nasa tabi mo iyang si Era eh.

"Baka hindi pa ako nakalabas ng pamamahay nina Era ay magkaroon na ako ng magkakambal na blocked-eye," ani niya.

"Ay, buti naman alam mo," singhal ng apat na magkakaibigan na pinangunahan ni Aizy. Sumulyap pa ito sa aming tatlo upang humingi ng tulong ngunit nagkibitbalikat na lang kami hudyat na 'wala kaming maitutulong, dude'. At nang mapagtanto niya ang ibig naming ipahiwatig ay wala itong nagawa kung hindi  umiling-uling na mangiyak-ngiyak habang nakabukas ang mga palad nito na tila ba hindi ito makapinawala.

Inirapan lang siya nina Aizy, Grace at Era. Kami namang kalalakihan ay napatawa sa hitsura niya. Bigla namang tumayo si Cristy sa pagkakaupo sa gitna nina Aizy at Grace saka walang ekspresyong tumungo at umupo sa tabi ng nakakunot-noong si Denmar na ngayo'y unti-unti nang lumiwanag ang mukha. Napatigil bigla kami sa pagtawa habang hinihintay ang susunod na gagawin nito.

"Tulungan na kita mag-encode," medyo inis na wika nito. "Ikaw muna mag-dictate para makapagpahinga muna iyang mga galamay mo," dagdag pa niya.

Napangiti ito ng ngiting abot tainga at saka umayos ng upo sabay sabing, "Aye captain!"

Was it just me o talagang nakita kong  pumintig ang mga tainga niya?

Inirapan lang siya ni Cristy at nagsimula na rin itong mag-encode.

"Huwag kang magpapatyansing sa ugok na iyan Cristy," babala ng pinakamagandang babae sa mga mata ko sa tahimik at wala paring ekspresyon na kaibigan nito.

"Iyong mga ngising iyan, naku! Mag-iingat ka diyan, Cris! Sinasabi ko sa iyo." Isa pang babala mula kay Era. Ngumiti lang si Grace sa tinuran ng mga kaibigan niya. Si Denmar naman ay palihim na binelatan iyong dalawang  hindi sang-ayon sa pagtulong ni Cristy sa ka niya.

Truelove never failsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon