Chapter 55: And...JUST BE YOURSELF

0 1 0
                                    

Third person

Araw ng sabado, alas otso y medya ng gabi nang dumating ang mga magulang ni Talya galing Amerika.

"Maligayang pagbabalik ho, Ma'am and Sir," ani Manang Masyang bagbukas pa lang ng malaking gate upang makapasok ang kotseng minamaneho ni Manong Gardo na bagong driver nila.

Ngumiti naman ang mag-asawa nang makalabas ng kotse. Agad namang binitbit nina Manong Gardo, Manang Lusing, Manang Masyang at Yaya Pasty ang mga karga ng kanilang amo.

"Nasaan ba si Talya?" Tanong ng mama niya sa mga kasambahay nito.

"Ay, nasa taas po ng kwarto niya. Natutulog na ata," agad na sagot ni Manang Masyang.

"Hindi niya po alam na ngayon ang eksaktong dating niyo," dagdag pa ni Yaya Pasty.

"Ah, oo nga pala. That's good. Isusurpresa sana namin siya," Ani Ma'am Tasha, ang mama ni Talya.

"Pakilagay na lang ho sa may sala," utos ng papa nito sa kanila. Tinanguan nila muna ito bago dumiretso sa sala.

"Ay, buksan niyo na lang po iyong mga package. Kunin niyo na lang iyong mga nakapangalan sa inyo dahil aakyat na kami para makapagpahinga," dagdag pa ng asawa.

"Ay, Hala, maghapunan muna kayo e. Naghanda pa naman kami," wika ng nakakatandang kasambahay.

"Naku, gustuhin man naming kainin, hindi namin kaya. Kumain na kasi kami sa restaurant malapit sa airport kanina," malungkot na tugon ng among babae.

"Maraming salamat na lang ho. Pagsaluhan niyo na lang," sabi ng Daddy nito sa kanila.

"Ay, sige ho. Tawagin niyo na lang po kami kung may kailangan kayo," ani Manang Lusing.

Nakangiting tumango ang mag-asawa bago umakyat para magpahinga.

Bago sila dumiretso, dumaan muna sila sa pinto ng kwarto ni Talya. Pinakiramdaman kung tulog na nga ba ito. Gising pa ito dahil narinig nila itong may kausap sa kabilang linya.

"Geh, goodnight. I love you too!" Masayang sabi nito sa kausap sa cellphone nito.

Sumeryoso ang mukha ng kaninang sabik na makita ang kanikang unica ija. Wala silang sinasabi ngunit mababakas sa mga mukha nila ang negatibong epekto ng kanilang narinig.

Nang napansin nilang wala na itong kausap ay ipinihit na ng ina ang pinto at dahan-dahan itong binuksan. Napalitan ang seryosong mukha nang masayang mukha nang makita ang anak.

"We're home anak!" sabay tili nilang dalawa.

Sandaling natulala ang anak dahil na rin sa hindi niya inaasahang ngayong gabi ang uwi ng mga magulang nito.

Agad niya naman itong tinakpan ng galak at dali-daling tumalon mula sa kama papunta sa mga magulang upang ito'y salubungin ng mahigpit na yakap.

"I missed you so so much, Ma," ani Talya bago kumalas sa pagkakayakap sa ina, at pagkatapos ay yumakap sa ama sabay sabing, "I missed you too, Dad."

"We missed you too, Talya," nakangiting wika ng mag-asawa sa anak.

"You didn't tell me you are coming home tonight," said Talya, pouting at them.

"Surprise nga anak. Ano ba," pilosopong Sabi  ng ina sabay irap.

"Ay, ganern? So ito na iyon? Surprise na 'to?" sarkastikong tanong niya nang natatawa pa.

Tumawa rin nang marahan ang ama sabay kamot sa ulo nito. Napahiya surprise kunoh nila.

Hinampas naman siya ng asawa sa braso. "Sabi ko sa'yo magdala ng balloons, pompoms and banner e," sabi pa nito.

Truelove never failsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon