"We should start planning about the wedding." He whispered.

"Y-yes we will," She nervously and excitedly answered.

"I can't wait."

"Hmm,"

Colton lean closer. His lips is on the side of her head, as if kissing her there.

"I want to get married as soon as possible, K. Maybe this week? Or tomorrow?"

Halos mapasinghap siya sa mabilisang desisyon nito. Mabilis niya itong nilingon, muntik pang magtama ang labi nila dahil sa ginawa niya.

"You're too fast,"

"You said Yes to my proposal, why do we have to delay the wedding?"

Hindi siya do'n nakasagot. Oo nga naman. Bakit ba nabibigla pa siya sa mala palos nitong desisyon kung walang kaabog-abog na nag 'Oo' siya sa pagpapakasal dito.

"Let's talk about all of this later when we back home, okey?" Masuyong sabi niya. Tahimik naman itong tumango. Hindi na nangulit pa.

Pagkatapos ng misa ay nagpasya silang sa Mall na kumain. Beinte minutos ang layo niyon sa simbahan. Nasa loob na sila ng starex nang magsalita si Raquel.

"Kuya Colton, magpupunta ba ang magulang mo sa kasal ninyo ni ate?"

Nakita niya ang pagsulyap ni Colton sa backseat mula sa rearview mirror, tapos ay itinuon ulit ang atensyon sa daan. Seryoso ang ratsada ng mukha.

"We will invite them in our wedding."

"Excited po kami na makilala ang magulang at mga kapatid mo, Kuya. Siguradong mababait din sila, katulad mo." Rachel said excitingly.

Mabait naman talaga ang pamilya Altaraza pero bakit parang hindi siya komportable na pupunta nga ang magulang ni Colton? Lalo ang mommy nito. There's something at the back of her mind telling her that marrying Colton in front of his parents wasn't a good idea. It's selfish to think about it, but she couldn't stop herself from doing it.

Pakiramdam niya ay may tututol sa kasal nila, kung sino ay hindi niya pa masabi.

"Hayaan niyo muna kami ni Colton pag-usapan ang tungkol sa kasal, Rachel, Raquel." Aniya, upang matigil ang usapang kasalan.

"Okey, ate..." Halos sabay na pagsang-ayon ng dalawa.

"Flower girl ako ate ha?" It was Ryzza. She's seating between her two siblings.

"Oo ba!" Nilingon niya ang bunsong kapatid saka kinindatan, kaya napahagikhik ito.

THEY'RE in the middle of eating their lunch at one of the exclusive restaurant when she felt someone looking at them. Pasimple niyang iginala ang tingin, ngunit bigo siyang hanapin ang mga matang tila sinusundan siya o sila kanina pa simula nang pumasok sila sa Mall.

"Hey," Colton get her attention. "What's bothering you?"

"H-huh? W-wala naman." She force a smile to make it looks everything is normal.

"Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Pareho silang nagbaba ng tingin sa plato niya na kaunti lang ang bawas. Bigla ay nawalan siya ng gana kahit pa masasarap ang nakahain sa hapag. Ang mga kapatid niya ay hindi na makausap dahil busy na sa pagkain. "What do you like to eat? Just tell me..."

"I'm okey. Mabilis lang akong nabusog." Panandalian ay tinitigan siya nito, tnatantsa kung nagsasabi siya ng totoo o baka may itinatago lang siya.

"Hmm,"

"Okey nga lang ako..." Sinakop niya ng palad ang panga nito at pinatakan ng halik sa labi. Huli niya na natanto ang ginawa niyang aksyon dahil nakita iyon ng mga kapatid niya. Naghagikhikan pero wala namang nagtangkang asarin siya.

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon