"Alfred..." tinawag ko sya.

"Wag na wag mong sasabihin sakin na kahit kelan hindi ko sinubukang lumaban para sayo, Blair. Ikaw na ang gumagawa ng ikasasama ng loob mo." Umakyat na sya ng tuluyan.

Naguguluhan na ako! SOBRANG NAGUGULO NA ANG UTAK KO!

Sinundan ko si Alfred sa kwarto at pagkapasok ko doon nakaupo lang sya sa kama na parang nag-iisip.

"Alfred..." 

"Blair, ano ba talaga ang gusto mo? Naguguluhan na ako sayo. Iniintindi kita pero ang labo mo. Diba sabi mo gusto mo ng buong pamilya? Sabi mo ipaglalaban mo ako at ang pamilyang 'to... pero bakit? Ha?" 

"Hindi ko rin alam... hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, Alfred. Pero..." 

"Kung ganun naman pala paalisin mo na sya dito. Oo, nakakaawa siya... awang awa na rin ako sa kanya... gustong gusto ko na syang tulungan alam mo ba yun? Pero dahil sayo... dahil sayo kaya ko sya tinatanggihan.  Ginagawa ko na lahat ng kaya ko Blair. Lahat na Blair..." 

HIndi ko alam! Hindi ko alam ang sasabihin ko! Naguguluhan na rin ako sa sarili ko!

"Sige, gusto mo syang patirahin dito... kakayanin mo ba? Kakayanin mo bang nakikita sya?"  tanong nya sakin.

"Naawa ako sa kanya." yun na lang sinabi ko.

"Sana kasi naisip mo yan nung una pa... sana rin hindi ka naging immature sa pagiisip noon. Eh di sana hindi na ganito, Blair." 

Tama sya. Tama si Alfred. Kung hindi lang sana ako naging madamot noon eh di sana... sana hindi kami nagaaway ng ganito.

Natatahimik ako. Dahil tama naman si ALfred. Wala akong masabi. Napayuko na lang ako. Tanga ka talaga Blair. Tanga!

"Bahala ka na nga!" humiga sya at nagtaklob ng kumot.

BUmaba na lang ulit ako at bumalik sa kusina.

Nandun pa rin naman si Tricia. Saan pa ba naman sya pupunta?

Nagagalit tuloy ako sa kanya pero kapag nakikita ko naman ang kalagayan nya, naawa ako.

"I'm sorry, Blair. Wala akong masamang balak sa inyo ni Alfred. Wala naman talaga... yung pinagusapan natin dati tungkol sa pagiging Ama ni ALfred sa anak ko... napagusapan na namin ni Alfred ang tungkol dun... magpapa-DNA test kami once nalabas ang baby ko." 

"I already know that..." 

"Wag kayong magalala... you'll never see me walking around this house. Isipin nyo na lang na hangin ako dito... wag nyo akong alalahanin o pansinin." 

"We can't do that..." 

"Pero you have to. Nag-away na kayo ni Alfred agad kakarating ko pa lang." 

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now