Chapter 9: Where You At

Start from the beginning
                                    

 “Mona, kinakabahan kasi ako. Samahan mo ako doon sa Talian para masundo ko na si Samuel.”

 “Ah, Amy. Wala ka bang natatandaan ngayong araw?”

  Hindi niya ito pinansin. Hinila na niya agad ang kaibigan papunta sa Talian. “Wala akong naaalala, Mona. Kung meron man, mamaya baka maalala ko. Si Samuel ang importante.”

  Napapalatak si Harmony. “Hay nako talaga naman. Dahan dahan naman sa pagtakbo. Hindi naman mawawala ‘yung asawa mo.”

 Hindi alintana ni Amia ang hingal. Agad silang nakarating doon. Nakita niya ang asawa na napapagitnaan ng mga tao doon. Karamihan doon ay mga katandaan na. Napahinto siya sa nakikita niya. Tinitigan niya si Samuel.

Walang araw na hindi siya napapatulala sa kakisigan nito. Ito ang pinakamagandang gawa ng Panginoon para sa kanya. Natunaw ang puso niya sa nakikitang ngiti sa mga labi ng asawa habang nakikipag-huntahan sa mga tiga nayon nila.

Totoong totoo ang ngiti nito. Mas lalo tuloy itong gumwapo. Halatang tuwang tuwa ang mga tao doon kay Samuel.

 “Amia!” tawag sa kanya ng mga nakatatanda.

“Magandang umaga po sa inyong lahat.” Bati niya. Nakangiti ang lahat habang lumalapit siya. Pero ang pinakamatamis na ngiti na nasisilayan niya ay ang ngiti ng asawa.

“Magandang umaga.” Nakangiting bati pa rin sa kanya ni Samuel. Sinuklian niya ito ng ngiti.

 “Hija, gusto naming magdamdam dahil inilihim  mo sa amin si Samuel. Aba’y kegwapo gwapong bata nito, Hija. Bagay na bagay kayo.”

“Pasensiya na po. Sasabihin ko naman din po. Naunahan lang po ng pagkakataon.” Nakayukong sabi niya.

“Aba’y halika kumain ka muna. Tapos na rin kaming kumain dito. Si Samuel nalang din ang hindi pa kumakain dahil sasabay na lamang daw siya sa’yo. Aba’y mahal na mahal ka ng asawa mo.” Sabi ni Nana Tate.


Napatingin siya kay Samuel. Lumapit naman ito sa kanya at hinawakan siya sa braso. Napalunok siya. Para siyang napaso. Unang pagkakataon na hawakan siya nito ng malambing.

“Sa bahay na ‘ho kami kakain ni Misis.”

 Misis?

Biglang sumaya ang buo niyang pagkatao.

 “Oho sa bahay nalang ho kami kakain. Sige ho mauna na po kami, ah. Maraming salamat po.”

Inalalayan siya ni Samuel. Bago makalayo ay nagsalita ulit ang asawa. “Mamaya ho ha sa bahay. Sige ho!”


 “Sige Samuel at mag-ingat.” Sabi ng mga ito.


Siguro ay may usapan ang mga ito na maghuntahan. Tumingin siya kay Samuel.

“May dumi ba sa mukha ko?” tanong nito.

Naglayo siya ng tingin. Masyado pala siyang halata na nagnanakaw siya ng tingin dito. “Wala. Masaya lang ako na nakalabas ka na. Nay may nakausap ka na.”

“Uunti untiin ko, Amia. Magiging maayos din ang lahat.”

Nagbigayan sila ng ngiti sa isa’t isa. Sana laging ganoon. Pero sana ay mas lalong bumuti ang pagsasama nila.

Ah...Samuel..pwede bang kung gusto mo lumabas ng bahay ay sabihan mo ako. Hindi ‘yung bigla bigla ka nalang nawawala.” Basag niya sa katahimikan nila. Malapit-lapit na rin naman sila sa bahay.

“Nag-alala ka ba, Amia?”  

Tumigil sila sa paglalakad at humarap ito sa kanya. “Ano ba namang tanong ‘yan, Samuel? Aba eh syempre naman. Sinong hindi mag-aalala?”  hinawakan nito ang pisngi niya. “Akala ko iniwan mo na ako...”

 “I will never leave you, Amia. I’m your husband.”


“Maraming salamat, Samuel...”

Hinawakan nito ang kamay niya. Naramdaman niya ang lambot ng kamay nito. Kabaligtaran ng kamay niyang magaspang dahil sa tapang ng sabong panlaba. Tumaba ang puso niya dahil wala namang paki ang asawa sa kagaspangan nito.

“Tara kain na tayo. Upo ka na rito.”

Sobra sobra ang sayang nararamdaman ni Amia ngayong umaga. Nakasabay niya ang asawa sa pagkain ng watiwasay. Hindi niya tuloy maiwasang kiligin. Pakiramdam niya ay ayaw na niyang matapos ang oras na ito. Pero, naalala niya na kailangan niyang ideliver ang mga nilabhan niya. Tiyak na hahapunin na naman siya.

 Mami-miss na naman niya si Samuel.

Lumapit siya kay Samuel na kalalabas lamang sa kwarto. Bagong ligo ito. Basa pa ang buhok nito. Napalunok siya. Ang sexy ng asawa niya. Bakat na bakat ang muscles nito sa suot nitong puting T-shirt.

“Hey, may kailangan ka ba?”

Nginitian din niya ito. “Magpapaalam lang ako. May aasikasuhin lang ako sa bayan. Baka mga hapon na ako. Iniwanan na kita diyan ng makakain mo. Kumain ka ha. Huwag kang magpapalipas. Mga ala-singko o alas-sais ay nandi-....”

Napahinto siya sa pagsasalita.


Binigyan siya ni Samuel ng isang halik.

Isang mabilisang halik.

Halik sa labi.

“Mag-iingat ka. Umuwi ka kaagad ha!” sabi nito habang nakangiti pa rin.

Siya naman wala pa rin sa katinuan ang isip. Tila naiwan pa sa mga labi niya ang labi ni Samuel.

“Hey! Ayos ka lang ba? Natulala ka diyan?”

“Ba-bakit mo ako hinalikan?!”

Kumunot ang noo nito. “Dahil asawa kita?”

Nais niyang sermunan ang sarili. Oo nga pala at asawa niya ito. At dahil mag-asawa, normal nalang ang maghalikan. “Nagulat lang ako...”


“Ikaw talaga ang weird mo. Halika naihahatid na kita sa pinto.”

Nagpatangay siya rito. Para siyang nasa langit. Ganoon pala ang pakiramdam ng halik. Kaya naman pala marami ang nabubuntis. Masarap pala ang halik. Napahawak siya sa labi niya at napangiti siya.

“Amia, hanggang anong oras tayo tatayo rito? Hindi ka na ba aalis? Baka gabihin ka.”

“Ay, hindi hindi aalis ako..Hehehe..Ito na nga, eh. Babye!”

 “Ah Amia!”

Napalingon siya rito? “Bakit Samuel?”

“Hindi mo ba ako hahalikan?”

Pakiramdam niya ay nalalaglag ang mga panga niya. Nanginginig ang paa niyang lumapit dito. Tumingkayad siya at banayad na hinalikan ang pisngi nito. “Ayan na ha! Babye na talaga.”

“Sige mag-iingat ka ha. Uwi ka kaagad. Dito lang ako.”

              

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Where stories live. Discover now