Epilogue

502 17 11
                                    

#12BadBoysTWOEpilogue





Kahapon ay nangyari ang kasal nina Kai at Sasha, kasalukuyang nagha-honeymoon itong dal'wa sa bansang Japan. Ngayong araw ay balik sa dati nilang gawain ang lahat, balik sa trabaho, o 'di kaya naman ay busy sa pagaalaga ng mga anak nila o mas piniling manatili na lamang sa bahay o kung ano ano pa. Maganda ang posisyon ni Charlie sa kanyang trabaho isa pa'y mayaman ang kanyang pamilya at pinamana lahat sa kanya ang ari-arian ng mga magulang niya, last year ay nakalaya na ang kanyang mommy pero dahil sa matanda na ito ay may malalang sakit rin, namatay din ito. May sariling bahay Charlie, malaki ito at magisa lamang siyang nakatira, kaya paminsan minsan ay magi-sleepover ang mga kaibigan niya dito sa bahay niya, wala naman iyon sa kanya at pumapayag naman siya.


Ngayong gabi ay matutulog dito sina Sun, Timmy at Kris.


Bago matulog ay maririnig ang malakas nilang boses mula sa kusina na nagkukwentuhan. Buhay na buhay ang bahay na ito sa tuwing maraming tao dito.


Paminsan minsan rin kapag busy ang mga ibang kaibigan niya lalo na sina, Mike, Brian at Xander na may maliliit na anak, sa kanya ibinibilin ito minsan at dito sa bahay niya dinadala ang mga ito. Namimiss na niya ang mga bata, buhay na buhay kasi ang malaking bahay na ito sa tuwing nandito ang mga inaanak o mga kaibigan niya.


"Oh, nag-text si Drake, magi-sleepover daw siya bukas." Sabi ni Timmy habang nakatingin sa kanyang phone at huli kay Charlie.


Nakatanggap narin ng text si Charlie mula sa inaanak niyang si Drake, napangiti siya at nireply'an iyon.


"Malapit na palang magsimula ang opening." Sambit ni Sun.


"Third year high school na pala si Drake? Binatang binata na pala talaga ang batang 'yon, I'm glad na hindi siya nagmana sa daddy niya, alam niyo naman si Brian." Tumawa ang mga ito dahil sa sinabi ni Kris.


"Oh.."


Sabay sabay pang napalingon sina Sun, Charlie at Kris kay Timmy na nakatingin sa kanyang phone. "Guys, I have to go.. Victoria's waiting for me, may emergency yata eh. Wag niyo na lang ako hintayin kasi gabi narin, baka bukas na lang ako magi-sleepover, see you!" Tumayo na si Timmy at sabay ring tumayo ang tatlo para samahang lumabas ang kaibigan.


Huminto sila sa tapat ng main door at muli pang nagpaalam ulit si Timmy bago ito lumabas ng gate. Pumasok narin sina Kris at Sun sa loob ng bahay habang nanatiling nasa tapat ng pintuan si Charlie, uminom pa ito ng wine at hinintay na mapaandar ng kaibigan niya ang sasakyan nito, kumaway pa si Timmy na nasa loob na ng kotse at nagdrive paalis. Sinigurado muna ni Charlie kung maayos na bang nakasarado ang gate kaya bumaba siya at chineck 'yon, samantala, mula sa isang mataas na poste na kung saan makikita ang kabuuan ng bahay ni Charlie, may isang taxing nakaparada doon, bahagyang nakabukas ang pintuan nito sa backseat at may isang taong pinapanood ang pagakayt ulit ng binata sa tapat ng pintuan, sumilip pa ito bago pumasok ulit sa loob ng bahay at sinarado iyon.


Naikuyom ng taong iyon ang kanyang isang kamay noong hindi na niya makita iyong binata. Makalipas ang limang minuto ay umaandar na ang taxing iyon, ngunit papunta sa tapat ng bahay ni Charlie at saglit na tumigil ito doon at umalis rin.

12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon