22 - A Familiar Place

521 34 28
                                    

#12BadBoysTwo22

Dedicated To: KIM_HYUNNIE


Chapter 22 - A Familiar Place




  ✾ 12 Bad Boys 2 ✾ 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  ✾ 12 Bad Boys 2 ✾ 







Third Person's Pov



Laging nagkakasalubungan sina Ellie at Kris, sa school, sa bahay at kahit sa labas pa.


Nasasanay na si Ellie kay Kris, minsan naman kapag nagaabot ang mga mata nila ngingiti na lamang ito sa kanya, malaking malaki ang pinagbago ni Kris, siguro nga dahil sinabi niya noon dito na 'hindi totoong wala syang pakialam sa kanya' kaya hinayaan na lang ng dalaga. Hindi na din siya masyadong nakakaramdam ng pagkaka-awkward sa tuwing magkikita sila ng binata, ayaw naman din nyang maulit ulit ang dati, na isipin ni Kris na wala syang pakialam dito at hindi siya nagaalala para dito. Ngunit hindi pa din nawawala sa kanyang isipan na—gusto siya nito ng binata.


Pero ang desisyon ni Ellie ay hindi pa rin magbabago, hindi niya pwedeng magustuhan ang lalake dahil may gusto na syang iba.


Umuulan non at nakalimutan nyang magdala ng payong, papalapit na siya sa boarding house ngunit medyo nababasa na siya, hindi niya inaasahang darating si Kris at ibigay ang suot nitong jacket sa kanya upang ilagay sa kanyang ulo. Hindi na siya nakapagsalita pa dahil nagmamadali na silang pumasok sa loob ng bahay, magkadikit sila at hawak hawak pa ni Kris ang jacket habang nakatakip sa kanyang ulo. Pagpasok nila sa loob, pati si Kris ay basang basa na ngunit nagpasalamat na lamang si Ellie dahil alam nyang iyon lang ang gustong marinig ng binata mula sa kanya. Masayang masaya noon si Kris, hindi lang sa lagi na nyang nakakasama ito at nakakausap, pati na din ang magandang pakikitungo ni Ellie sa kanya, hindi na siya iniiwasan pa ng dalaga o hindi na masyadong awkward sa tuwing magkikita't magkasama sila.


Ang hindi nila alam, napapansin iyon ng binatang si Xander.. hindi nito maiwasang makaramdam ng pagseselos.


Si Stephanie naman ay tila sumasangayon sa plano niya ang lahat, hindi man laging napapansin siya ng binatang gusto niya, minsan na lamang niya itong makitang kasama ni Xander si Ellie, nung isang araw kitang kita ng kanyang dal'wang mata kung paano iwasan ng dalaga ang binata, kahit matagal tagal na iyon nyang nasaksihan. Basta't ang mahalaga sa kanya ay hindi na niya nakikitang magkasama ang dalawang ito.

12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon