4 - Paris, France

821 43 9
                                    

#12BadBoystwo4

Dedicated To: khayeciee


Chapter 4 - Paris, France



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


  ❶❷ BB: ➁






Sa isang naturang maliit na kwarto, mapapansing papunta dito doon ang mga taong nasa loob nito. Makikita ang isang malaking salamin na nakadikit sa wall, mga iba't ibang make-up kits sa table at kung ano ano pa. Sa pinakadulo ng kwartong iyon, may katatlong babaeng nakatayo at nakapalibot sa isang upuan, mapapansing busy ang mga ito at may ginagawa.

" Dépèchez-vous (Hurry up! ) "

Sigaw ng isang matangkad na lalake noong makasilip siya sa loob ng kwartong iyon.

Busy pa din ang mga taong nasa loob nito. Sa isang upuan na iyon, may isang babaeng nilalagyan ng make-up at inaayos ang kanyang buhok. Ang mga ibang naroon, hinahanda na ang kanyang susuotin para sa kanyang photoshoot. Kahit busy'ng busy na ang mga taong nakapaligid sa dalagang iyon—kalmado pa rin siya at may pinapanood lang sa kanyang cellphone. Sanay na syang busy parati ang araw niya, at ito na din ang kanyang nakasanayan sa loob ng dalawang taon.

Sa labas ng maliit na kwartong iyon, may mga kung ano anong gamit at isang maliit na studio sa gitna nito.

Naghihintay na din ang mga photographer na naroroon. Katulad sa isang kwarto, busy din ang mga taong nandito.

" Hm.. He's not coming..? " Tanong ng dalagang nakaupo at nilaglagyan ng kung ano anong pampaganda sa kanyang mukha.

" Who? "

Tanong sa kanya ng isang babaeng naglalagay ng powder sa mukha niya. Saglit namang napangiti ang dalaga. " Lorence. " Sagot niya at napangiti pa ang babaeng nakakita sa kanyang nag-pout.




"Es-tu prêt (Are you ready), Ellie Kim? "



Pumasok ulit ang matangkad na lalake kanina at nakita nitong maayos na ang suot ni Ellie at tinanong sa kanya kung handa na siya.

Ngumiti ang dalagang tinatawag nilang 'Ellie' at tumango ito. " Yes, I'm ready. "

Lumabas na siya ng kwartong iyon at inalalayan ng ibang mga staff para pumunta sa gitna—sa isang maliit na studio don. Tuwang tuwa at gandang ganda ang mga staff na naroon at nakakakita sa kanya, hindi nga sila nagkamaling kinuha nila si Ellie Kim para maging modelo ng bagong—sikat na cosmetic brand ngayon sa France. Bukod don, malaki ang makukuha nila, dahil hindi lang maganda si Ellie—kilala syang sikat na modelo ngayon sa France at madaming mga iba't ibang cosmetic, clothing brand o kung ano ano pa ang nagaagawan upang makuha lang nila si Ellie.

12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon