64 - A Shattered Mind

156 11 0
                                    

#12BadBoysTWO64


Chapter 64 – A Shattered Mind





12 Bad Boys 2







Nagmukmuok si Ellie sa loob ng kanyang kwarto kapag gabi, parang wala naman siyang problema kapag umaga, aakalain mong siya parin si Ellie na kilala ng lahat, may time parin siya para kay Lorence, nagpapanggap siyang masaya at walang kaproble-problema.


Ngunit malalim ang naging epekto ng mga sinabi ni Stephanie sa kanya nung isang araw, hanggang ngayon ay hindi niya nakalimutan ang mga sinabi nito sa kanya. Gulong gulo ang kanyang isipan, sumasakit ang kanyang ulo at nahihirapan siyang huminga, nasasaktan siya ng todo. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang totoo, dapat bang paniwalaan niya ang mga sinabi ng dalaga sa kanya? Siya nga ba talaga si Sandy Ferrer? Ano ba talaga ang katotohanan?


Hindi niya alam kung ano dapat ang isipin.


"Ellie, kahit ba konting alaala wala kang naalala? Kahit small details lang tungkol sa past mo? Katulad nung maaksidente ka."


Noong tanungin ni Stephanie nito si Ellie, hindi iyon masagot ng dalaga. Dahil kung tutuusin ay may mga natandaan siya katulad nung kay Lorence, ngunit hindi niya alam kung tama na ba iyon ang dahilan para paniwalaan ang mga sinabi ni Stephanie.


Naalala ng dalaga ang paulit ulit na kanyang napapanaghinipan.


"Part din ba ng past ko ang dream na 'yon? Iyon ba ang nangyari talaga o nangyari ba 'yon? Kaya ba lagi ko iyon napapanaghinipan?"


Mas lalong gumugulo ang isipan ng dalaga.


Sumasakit narin ang kanyang ulo.


"Ano ba ang dapat kong paniwalaan?"


Itinulog na lamang niya ang sakit ng ulo niya.


Nagising ng maaga si Ellie, naghanda at pumasok sa school, malaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga classmates niya at active din siya sa pagsagot, nung uwian ay muli silang nagkasabay ni Lorence, dinala siya nitong kumain at pumunta sa amusement park, nagenjoy sila sa lugar na iyon, masayang masaya ang dalaga.


Nung dumating siya sa boarding house at makapasok sa loob ng kwarto, naging balisa ito.


Nakatulala itong naupo sa sofa, muli na naman niyang naalala ang mga sinabi ng isang dalaga sa kanya.


12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon