38 - She likes me..

390 22 14
                                    

#12BadBoysTwo38


Chapter 38 - She likes me..



(Ellie and Lorence)


12 Bad Boys 2



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Author's Pov




Nasa sahig parin si Ellie habang walang malay pagkatapos niyang maramdamang sumakit ang kanyang ulo dahil sa mga alaalang naalala niya kanina. Ngunit makalipas lang ang mga ilang oras ay unti unting dumidilat ang mga mata ng dalaga, hanggang siya ay tuluyang magising na at ramdam parin ang pagkakahilo, dahan dahan namang siyang bumangon.


Napahawak siya sa kanyang ulo. " Ano'ng nangyari? Nawalan ako ng malay.. akala ko.. hindi na ako magigising.. " Takot na takot siya kanina noong bago pa siya himatayin.


Hindi masisi ang dalaga kung takot ang una niyang mararamdaman. Marami nga siyang naalala ngunit hindi naman maganda ang idinulot nito sa kanyag kalusugan, natatakot na siya baka maulit ito. May mga naaalala na siya ngayon at kahit anong oras ay maaari siyang makaalala ulit, ganito din ba ang mangyayari? Mawawalan siya ulit ng malay? Hindi na gusto ni Ellie na maulit iyon. Kinuha niya ang kanyang phone at naghahanap ng pwede niyang matawagan sa contacts pero hindi niya namalayang umiiyak na pala siya..


Patuloy ang paghikbi ni Ellie, kanina ay takot ang naramdaman niya pero ngayon ay bumalik na siya sa reyalidad.. nasasaktan na naman siya dahil kay Lorence. Pero sinubukan niyang lakasan ang loob at muling tinuon ang atensyon sa paghahanap ng pwede niyang matawagan sa kanyang contacts.


" Hindi ka naniniwala sa akin.. pero kapag ba nalaman mo ang nangyari sa akin, pupuntahan mo ako? Hindi ko talaga mukuha kuha kung ano ang tumatakbo dyan sa isipan mo Lorence. " Patuloy pa din sa pagdaloy ang mga luha niya habang tinitignan ang pangalan ni Lorence.

12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon