28 - Admitting Defeat

385 27 26
                                    

  #12BadBoysTwo28 


Chapter 28 - Admitting Defeat 




✾ 12 Bad Boys 2 ✾

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

✾ 12 Bad Boys 2 ✾







" Stephanie. "


Hindi alam ni Stephanie kung ano ang mga iniisip ni Xander sa kanya ngayong mga oras na ito, habang tinitingnan kasi niya ito sa mga mata—blanko lamang ang expression sa mukha ng binata kaya mas lalo itong nagpakaba sa dalaga.


Oo nga naman, sigurado syang alam na ni Xander lahat ng mga ginawa niya. Galit ito sa kanya. – Sabi niya sa kanyang isipan.


Baka nga hindi na siya mapatawad pa ng binata, nagsinungaling siya at nagawa pa nyang magpanggap bilang Sandy Ferrer kay Ellie, sino ba naman siya para patawarin nito. Naging mabait na kaibigan ang binata sa kanya ngunit ano naman ang ginawa niya? Imbes na pakitaan niya ito ng kabutihan naging opposite pa yata. Ganito nga talaga kapag nagmahal ka ng isang tao, lahat hahamakin mo kahit pwede kang kamuhian nitong taong mahal mo, maging sa iyo lamang ito. Nagmamahal lamang si Stephanie..


" Xander, I'm sorry.. " Iyon lamang ang lumabas sa bibig ng dalaga.


Gusto pa nyang magsalita ngunit ayaw na naman bumuka ng kanyang bibig.


Hindi rin naman makapaniwala si Xander na magagawang magpanggap ni Stephanie bilang Sandy at kay Ellie pa talaga, pareho nilang alam na wala itong matandaan mula sa nakaraan, ngunit ano na lang ang mararamdaman ni Ellie kapag isang araw bumalik na ang alaala nito at may iba na palang gumagamit ng totoo nyang pangalan? Masasaktan ito. Walang may gustong malimutan nito ang alaala niya, hindi iyon ginusto ni—Sandy.


" Why? Ano ba ang naging pagkukulang ko sa'yo and nagawa mong magsinungaling kay Ellie and sa akin? Hindi ba ako naging mabuting kaibigan Stephanie? Is it also my fault.. kaya mo nagawa ang mga bagay na yon? " Sabi ni Xander habang palinga linga at minsan napapayuko siya, ganito siya sa tuwing pinipigilan nyang magalit.

12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon