34 - Shocking News

307 21 6
                                    

  #12BadBoysTwo34


Chapter 34 - Shocking News




Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

12 Bad Boys 2








Busy si Lorence sa mga paper works na nasa kanyang harapan ngayon, kung saan saan nababalin ang kanyang mga tingin, talagang mapapansing busy siya at nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa isang bagay..


Ngunit biglang pumasok na naman ulit sa kanyang isipan si Ellie o si Xander, kaya natigilan siya sa pagsusulat.


Maraming beses na nyang iniwasan si Ellie, o paminsan minsan naman sinasadya nyang hindi magpakita sa dalaga. Sa tingin ni Lorence mas mabuti na ginagawa niya iyon, hindi mapapano si Ellie dahil naroon naman si Xander sa tabi nito at pasasayahin siya nito ng binata, hindi na siya kailangan pa ni Ellie.


Pero.. makakabuti ba talaga ang iwasan ko na lang lagi si Ellie?


Naguguluhan na namang tanong ni Lorence sa kanyang isipan.


Alam nyang masasaktan itong dalaga kung patuloy niya itong lalayuan o iiwasan, ngunit wala na syang magagawa pa, nakapagdesisyon na siya at kapag bumalik na ulit ang dati sa lahat, mawawala din naman siya sa isipan ni Ellie.. hindi pa rin siya nakakasigurado kung unti unti na bang nababawasan ang feelings ng dalaga para sa kanya, hindi dapat siya magustuhan ni Ellie—paano si Xander? Hindi niya kayang makitang masaktan si Xander dahil gusto siya ng babaeng gusto nito, ito na lang ang paraan para unti unting itama ang nakaraan..



I'm sorry Ellie, alam kong nasasaktan ka.. I don't hate you, hindi mangyayari yan, mahalaga ka for me, one day maiintindihan mo din ako.



Nasasaktan din naman ako Ellie, yung pakiramdam na hindi talaga tayo ang para sa isa't isa, kahit na gustong gusto na kita.

12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon