7 - They're Back

872 53 10
                                    

#12BadBoysTwo7

Dedicated To:  wefoxing


Chapter 7 - They're Back





✾ 12 Bad Boys 2 ✾








Nasa loob na ng airport sina Ellie at Lorence, ilang minuto na lang ay papasok na sila sa loob ng airplane at maya maya lamang ay aalis na sila.

Napapansin naman ni Lorence na parang hindi mapalagay ang dalagang nasa kanyang harapan, sa totoo nyan kanina niya pa ito napapansin simula noong sunduin niya si Ellie sa bahay nito. Siguro marami lang iniisip itong dalaga.

" Are you okay? " Tanong ni Lorence sa kanya.

Lumingon si Ellie upang tingnan siya at sagutin ang kanyang tanong. " Hindi lang ako mapalagay, kasi iniisip ko si mama. " Sabi ng dalaga at makikita ang pagkakalungkot sa mga mata niya.

" I know Lorence—hindi masaya si mama na aalis ako, kahit hindi niya sabihin sa akin. Pero ang sabi niya, susunod naman daw siya sa atin pabalik. I don't know kung kailan. "

" Nagdadalawang isip ka na bang umalis? "

Hindi pa din inaalis ni Lorence ang mga tingin niya sa dalaga.

Hindi pa ito kaagad nakasagot sa kanyang tanong, mukhang malalim na naman ang iniisip ni Ellie.

Tumingin naman ngayon sa kanya si Ellie at umiling. " Buo na ang naging desisyon ko. " Napangiti siya pagkatapos sabihin yon " Excited na akong makabalik don. "

Papasok na sila non nung nakatingin pa din si Ellie sa likuran niya. Talagang mami-miss niya ang France, alam naman nyang matatagalan sila sa Philippines o baka hindi na sila makakabalik pa? Hindi siya sigurado, kapag iniwan na niya ang bansang ito magiging normal na ang buhay niya. Hindi na siya makikilalang sikat na modelo, katulad ng pagkakakilala sa kanya dito sa bansang France. Ngunit mabuti na din siguro yon, para makapag focus na siya sa pagaaral.

Excited syang e-enjoy ang sarili na walang nakabuntot na paparazzi kahit saan man siya magpunta. Pagdating ng pagdating niya sa pilipinas, gusto nyang ipasyal siya kaagad ni Lorence kahit saang lugar at pagaaralan niya ang mga lugar na mayron don.

" Ellie, let's go? " Nakita ni Lorence na nakatingin si Ellie sa likuran nito.

Tinibayan ng dalaga ang kanyang loob at ngumiting humarap kay Lorence at nagsimula na silang maglakad.

Noong makapsok sila ng eroplano panay ang paghinga ng malalim ni Ellie na syang napansin naman ng kasama nyang binata.

" Don't worry, pwede ka namang bumalik dito anytime you want to. " Ngumiti si Lorence.

Napangiti ang dalaga at muling tumingin sa labas ng maliit na bintanang nasa kanyang gilid.







12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon