71 - Say My Name

307 17 1
                                    

#12BadBoysTWO71


Chapter 71 – Say My Name





12 Bad Boys 2









Tahimik si Xander habang nagtatrabaho siya, maswerte siya dahil wala naman silang gaanong customers ngayong araw, napansin iyon ng katabi niya.


"Huy!" Kaagad ito nilinga ng binata.


"Oh?" Tipid lamang na sambit ni Xander.


"Paalis na 'yung kaluluwa mo oh, kitang kita ko nang lumulutang. Xander, masama na naman ba ang pakiramdam mo? Nako ngayon pa lang sabihin mo na, ayaw na naming mangyari ulit yung nangyari sa'yo one time. Mag rest ka kung pagod ka na, magaalala niyan si Ellie sa'yo."


May halong pagbibiro at pagaalala don sa nagsalitang katrabaho ng binata.


Pasimpleng napangiti si Xander.


"Okay lang ako.." Bigla niyang naalala na si Ellie ang kausap niyang bago siyang mawalan ng malay non. "Siguro nabigla si Ellie sa nangyari sa'kin."


"Syempre naman! Hindi mo lang nakita na kung gaano siya nagalala para sa'yo." Sambit nito sa kanya.


"Tama siya Xander, teka.. sigurado ka ba talagang friends lang kayo? Parang kayo eh." Sulpot ng isang katrabaho nila na tagapaglinis naman.


Napatawa si Xander sa sinabing iyon ng kaibigan niya.


Umiling iling siya bilang sagot na walang sila ngunit ayaw namang paniwalaan iyon ng mga kasamahan niya. Sa tingin kasi ng mga ito ay bagay na bagay iyong dalawa. "Ellie and I are just friends."


"Wala ba kayong nakaraan? Alam mo na.. uyyy.." Siniko pa siya ng isa sa mga ito.


Tinawanan lamang iyon ni Xander.


Ayaw parin siyang tigilan ng mga ito, hindi sila busy kaya nagawa siyang pagkatuwaan at kulitin ng mga ito, nakasanayan narin kasi ng lahat na madalas si Ellie pumunta dito at sunduin si Xander, pero hindi na masyado ngayon. "Sabihin mo na kasi Xander, imposibleng wala.. parang sinasabi ng isipan ko na may something, kung hindi man ngayon, perhaps noon?"


"Ano ba kayo, magkaibigan lang nga kami ni Ellie." Nakukulitan man ay pinili parin ni Xander na tawanan iyon.


"Okay sabi mo, pero bagay na bagay pa naman kayo ni Ellie."


12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon