36 - The Unexpected

368 20 16
                                    

#12BadBoysTwo36

Chapter 36 – The Unexpected

[Ellie & Xander - You are the one]






✾ 12 Bad Boys 2 ✾

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


12 Bad Boys 2









Nagkasalubungan naman sa labas ng kwarto sina Sun at Brian.

Nitong nagdaang mga araw, hindi lang pagaaral ang kinabi-busy'han ni Brian, nalalapit na din kasi ang araw ng kasal nilang dal'wa ng kasintahang si Jed Pearl. Hindi mawala wala ang mga ngiti sa labi niya sa tuwing naaalala niya ang importanteng araw na yon,  next week ay makikipagkita sila sa kanilang wedding planner.

" Ang saya mo ha? Excited much? " Sun.

Nakangiti pa rin si Brian. " Halata ba? Alam mo kasi hindi lang ako makapaniwala, Sun. Next month ikakasal na kami ni Jed, hindi na ako makapaghintay na sa iisang bubong na kami titira. Lagi ko na siyang makakasama at mababantayan. " Sabi nitong binata at halatang halata nga sa kanyang hitsura ang pagkakaexcite.

Napapatango lamang si Sun bago siya naman ang magsalit;a.

" Pinagplanuhan niyo talaga noh? " Tanong ng matangkad na binata.

Napapansin ni Sun na alam na alam nga ni Brian ang kanyang pinasok, base sa kanyang napapansin ngayon sa kaibigan. Siguro nga ay may punto si Mike sa sinabi nito sa kanyang panaghinip, hindi pa siya handa na hindi tulad ni Brian.

Napangisi ang isang maliit na binata. " Ayoko na kasing pakawalan pa si Jed, mahal na mahal ko kasi talaga siya. "

" Kaya hindi mo na hinintay na makapagtapos muna kayo ng college? " Sun.

Maraming gustong itanong si Sun kay Brian, nacu-curious lamang kasi siya sa mga bagay bagay lalo na tulad nito.

Napapansin na ni Brian na sunod sunod na pala ang mga naging tanong nito sa kanya.

" Malamang, nangyari na nga diba haha. Alam kong padalos dalos ako, pero may rason ako at handa naman akong harapin ang mga pagsubok na dumating sa amin ni Jed, basta ang importante.. akin na akin na siya. Wala akong pinagsisisihan Sun, ginusto ko 'to at paninindigan ko. "

Nagtanong naman ngayon si Brian sa nakababatang kaibigan. " Teka nga.. bakit ang dami mong tanong? "

" Ha? "

12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon