16 - Lies

661 31 30
                                    

#12BadBoysTwo16

Dedicated To: mirohannavinluan


Chapter 16 - Lies




Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


   12 Bad Boys 2     










Third Person's Pov



Kinabukasan noong magising si Ellie, napansin nyang hindi man lang pala siya nakapaglinis ng katawan kagabi, bigla bigla na lang syang nakatulog.


Ganon pa man, napansin nyang namumunto pala ang kanyang mga mata dahil sa kakaiyak niya kagabi. Hanggang ngayon ay tila nasasaktan at nalulungkot pa rin siya sa mga sinabi ni Stephanie sa kanya kagabi, hindi niya talaga sinasadyang makasakit ng damdamin ng ibang tao. Napagisip isipan nyang dapat na nyang iwasang mangyari ulit ang mga bagay na iyon, iwasang makasakit ng ibang tao.. nalulungkot man siya sa kanyang magiging desisyon, ay tila wala na yatang ibang paraan pa syang maisip.


" I'm sorry Xander, siguro nga dapat iwasan muna kita.. hindi ko gustong gawin 'to, pero siya ang una mong naging kaibigan, mas nalulungkot siya sa tuwing wala na kayong mga oras, babalik lang ang dati sa inyo..kapag iniwasan kong makasama mo ako. "


Iyon na nga ang naging deisisyon ni Ellie, at hindi na niya maaaring baguhin pa iyon.


Pakiramdam niya ay sobra sobra yata syang nalulungkot sa gagawin nyang pag-iwas sa malapit na kaibigang si Xander. Ngunit buo na talaga ang kanyang naging desisyon.


Para sa ikakabuti ng lahat—magiging okay din ang lahat, iyon na lang ang inisip ni Ellie.


Inayos muna niya ang kanyang sarili at kinuha ang towel kasi maliligo na siya at sandaling maguumagahan. Ngunit alam nyang sa kanyang paglabas, magkikita't magkikita sila ni Stephanie, hindi niya ito iiwasan pero katulad nga ng mga napagusapan nila kagabi, sa tingin ng dalaga ay baka mas lalo silang magkailangan, lalo na't hindi rin sila close sa isa't isa. Pero itatama na ni Ellie ang mga bagay na hindi niya sinasadyang magawa, kaya lalakasan niya ang kanyang loob.

12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon