20 - Waiting For You

516 35 44
                                    

#12BadBoysTwo20


Chapter 20 - Waiting For You



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


  ✾ 12 Bad Boys 2 ✾ 









Third Person's Pov



Mapapansin pa ring hindi napapakali si Xander habang nasa tapat pa rin ng pintuan at ang dalagang si Stephanie.


" Hindi ba siya nagtext sayo kanina o bago lang? Nasabi ba niya sa'yong pauwi na siya? " Sunod sunod namang naging tanong ng binata sa dalaga. Kapansin pansin ang pagaalala nito sa isang dalaga, kahit gusto ni Stephanie na wala ngayon dito ang dalagang iyon, nakaramdam din naman siya ng pagaalala lalo na't hindi maganda ang panahon ngayon.


Pero bakit kasi hindi naisipang umuwi nito ng maaga alam naman siguro nitong hindi magiging maganda ang panahon ngayon.


Hinakawan ni Stephanie ang isang balikat ng binata upang sabihin mas makakabuting kumalma muna ito. Kinakabahan din ang dalaga na kapag nakakaramdam ng ganito ang binata, hindi ito magiging okay.. " Hindi siya nag-text, pero please kumalma ka muna. Kapag may signal na tatawagan ko siya kaagad at babalitaan ka kung may balita na. "


Sinubukang kumalma ni Xander kasi naisipan nyang hindi ito makakatulong sa kanya ngayon.


Nagpaalam na siya sa dalagang iyon at balisang naglakad papunta sa second floor. Hindi niya alam na nakasalubong niya si Lorence at napanasin siya nitong balisang balisa at kaagad nalaman nitong hindi maganda ang nagyari sa kanya. " Xander, may nangyari ba? " Tanong nito sa kanya.


" Lorence.. si Ellie, hindi pa nakakauwi.. nagaalala na ako. "


Sinabi ni Xander sa binatang kaibigan na nakausap pa niya nito si Ellie kanina sa school, at sumama ito sa isang bagong kaibigan sa bahay nito.


12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon