#12BadBoysTwo18
Dedicated To: sasasaj
Chapter 18 - Picture
✾ 12 Bad Boys 2 ✾
Third Person's Pov
Gumagawa ng ulam noon si Diesel noong marinig nyang tumunog ang kanilang doorbell. Lumingon siya upang tingnan ang living room kung may tao ba para may mautusan man lang syang magbukas ng pinto, nakakasigurado din syang hindi ito ka roommate niya, may password ang kanilang automatic door lock at tanging mga nakatira lang sa loob nito ang nakakaalam. Baka nga isa iyon sa mga kaibigan niya.
Nakita nyang may nakahiga sa sofa at nakabukas ang tv pero hindi naman masyadong malakas ang volume.
" Please pakibukas ng pintuan, nagluluto ako oh. "
Sabi ni Diesel pero hindi niya nakita man lang gumalaw ang nakahiga sa sofa na iyon, napabuntong hininga siya at binitawan ang sandok tsaka sinilip iyong nakahiga saka lang niya napansing natutulog pala ito. Walang iba kundi si Timmy.
Dumiretsyo na siya sa pintuan at binuksan iyon.
Nakita nyang nakaakbay si Kris sa isang babae—si Stephanie Garcia.
Ilang segundo ang lumipas bago mapansin ni Diesel ang matangkad na kaibigan, wala itong malay at higit sa lahat, amoy alak ang kaibigan niya.
" Diesel.. " Sabi ni Stephanie habang akbay pa rin si Kris at walang malay. Napansin nyang nakatingin lang ang maliit na binata sa kanilang dalawa, ayaw naman nyang magalit at sigawan ang binatang iyon lalo na't hindi sila close, kaya napamura na lang siya sa kanyang isipan, hindi ba nakikita ni Diesel na nabibigatan na siya kay Kris?
BINABASA MO ANG
12 Bad Boys 2: Unremembered
Fanfiction[COMPLETED] ❝Alaalang nawala.. maibabalik pa kaya?❞ ✔BOOK 1: 12 Bad Boys (COMPLETED) ✔BOOK 2: Unremembered (COMPLETED) ✔BOOK 3: Twist of Fate (ON-GOING) #DaraExoFanfiction Date Completed: March 2, 2018 Highest Rank Achieved: #179 in Fanfiction...