46 - Mrs. Kim

219 18 0
                                    

#12BadBoysTWO46


Chapter 46 – Mrs. Kim




12 Bad Boys 2   





Kakauwi lamang ni Lorence mula sa school noong may matanggap siyang text message at sinabi nitong may gustong makipagkita sa kanya ngayon, importante ito kaya't hindi na nagdalawang isip ang binatang puntahan ito sa isang hotel, doon kasi ang meet up nila.


Wala sa mga kaibigan niya ang nakakaalam na may importanteng lakad siya, hindi na siya nakapagpaalam dahil nagmadali na siyang umalis ng boarding house.


Mabilis namang dumating si Lorence sa isang hotel.


Nagtungo si Lorence sa front desk at hindi na siya nagtanong pa noong sabihin lamang sa kanya ang room number na kanyang dapat puntahan.


Noong nasa tapat na siya ng pintuan, pinagbuksan siya nito, nasurpresa ang binata sa babaeng kanyang nasa harapan.


" Lorence, pasok ka. " Sabi ng isang babaeng nasa 40's.


Pumasok sila sa loob at bakas parin sa hitsura ni Lorence ang pagkakasurpresa.


Masayang masaya naman ang taong ito na makita muli si Lorence.


" Tita, kailan kayo dumating? " Tanong ni Lorence dito.


" Kaninang umaga lang hijo. " Sabi naman ng babae sa kanya.


Pinagtataka ni Lorence kung bakit hindi man lang ito nagsabing uuwi ito ngayong araw sa pinas, lalong lalo na kay Ellie.


Muling nagtanong ang binata. " Alam po ba ni Ellie na pupunta kayo dito sa pinas? "


" Hindi, susurpresahin ko sana siya. Ikaw ang unang nakakaalam na nandito na ako hijo, nadisturbo ba kita? Pasensya ka na kung bigla bigla kitang pinapunta dito. "


Sinabi ni Lorence na ayos lang naman sa kanya, hindi naman siya busy talaga ngayong araw.


Katulad ni Ellie, ngayon lang din ulit nakapabalik ng pinas ang nanay nito.


" Kamusta kayo ni Ellie dito? Maayos naman ba ang lahat? Nagalala ako ng husto sa batang iyon, alam naman nating marami siyang hindi alam dito sa lugar na ito.. pero nandito ka naman hijo kaya kahit papaano mapapanatagang kalooban ko. " Sabi ni Mrs. Kim.


Hindi parin nakakalimutan nito ang nangyari noon—two years ago, sa totoo niyan ay takot na takot siyang payagan si Ellie na bumalik sa pilipinas, natatakot lamang siyang mangyari ulit ang mga nangyari noon sa anak niya. Hindi naman niya masabi kay Ellie kung bakit hindi niya ito hahayaang pumunta sa pinas dahil ayaw niyang malaman pa ng kanyang anak ang pinagdaanan at nangyari noon.

12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon