26 - I give up

445 28 29
                                    

#12BadBoysTwo26

A/N: Kung may mga iba dyan na gustong e-dedicate ko ang next chapter sa inyo, comment na lang kayo. 


Chapter 26 - I give up



✾ 12 Bad Boys 2 ✾  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

✾ 12 Bad Boys 2 ✾  





Nagkita naman sa isang naturang park sina Kai at Xander.


Magkausap ang dalawa habang nakaupo sila sa isang bench at umiinom ng soft drink na libre pa ni Xander.


" Nakakatamad kasi pag wala ka masyadong ginagawa. " Sabi ni Xander. Nagkita lamang sila dito sa park noong makita siya ni Kai na nakacostume ng isang pang clown at may makeup pa, nagulat nga noon ang kaibigan niya nung makita siya nito. " Bakit? Kailangan mo ba ng pera? Paubos na ba ang allowance mo? "


Sunod sunod namang tanong ni Kai sa kanya.


Medyo napangiti si Xander, alam kasi nyang hindi papasok sa isipan ng mga kaibigan niya ang maghanap siya ng trabaho, mayaman sila ngunit para kay Xander, hindi pwedeng umasa na lamang siya sa pera ng kanyang ama.


" Hindi naman ako nauubusan ng allowance. Wala lang, if ever maubusan man ako at least may naipon na din ako. Gusto ko lang mabuhay na ako iyong nagsisikap para sa sarili ko. " Nakangiting sabi niya.


Napatango naman si Kai. " But kailan ka nagsimula nito? " Tanong niya ulit.


" Bago lang. " Sagot naman ni Xander.


May naalala si Xander kanina noong makita niya si Kai, na mukhang wala itong kasa-kasama at parang magisa lang. " Ikaw? Ano ang ginagawa mo dito? "


Humigop muna saglit si Kai ng soft drink. " Wala lang, bigla na lamang akong napadpad dito. Okay lang bang mag stay muna ako dito with you? Ayoko pa kasing umuwi. "


Masaya namang tumango si Xander at sila na nga ang magkasama ni Kai sa mga oras na ito.


Pinapanood lamang ni Kai ang kaibigan sa kanyang harapan habang may mga iba pa itong kasama, isang magician kum baga ang tawag ng mga taong nanonood kayna Xander ngayon. Maraming nahuhumaling sa kanilang ginagawa.

12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon