37 - Crying Silently

334 20 4
                                    

#12BadBoysTwo37


A/N: Guys, may ikaklaro lang ako sa chapter 36, sa mga nakabasa ng pov ni Sandy (yung naalala ni Ellie), wala pong narinig na pangalang 'Sandy' si Ellie don kaya inedit ko kasi nasali pala yung pangalan ni Sandy na hindi dapat. Thanks!

And guys, kapag may naka-italic sa pov ni Ellie, meaning POV yon ni Sandy ibig sabihin may naaalala si Ellie.




✾ 12 Bad Boys 2 ✾

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

12 Bad Boys 2







Xander's Pov



Niyaya ko si Ellie lumabas ulit, gusto ko lamang siyang dalhin sa mga paborito kong lugar na pinupuntahan ko dati lalo na yung mga araw na wala siya.


" Malapit na naman yung finals natin noh? Papahinga muna ako sa pagtatrabaho, kailangan kong magaral haha. " Sabi kong nakangiti habang nakaupo kami ni Ellie at pinapanood yung mga taong naglalakad sa harapan namin.


Napansin ko namang napakatahimik ni Ellie na ipinagtaka ko. Minsan kasi madaldal 'to lalo na kapag wala naman siyang problema. Pinagmasdan ko siya habang katabi ko siyang nakaupo, ang lalim yata ng iniisip niya. May ibang tao ba siyang iniisip ngayon? Nakakalungkot naman kung ganon. " Iba na naman yung taong nasa isipan mo kahit na ako yung kasama mo. " Bulong ko sana pero napalakas ko yata?


Nung tingnan ko ulit si Ellie nakatingin na siya sa akin ngayon.


" We should study hard Xander, ako nga din eh.. siguro wala muna akong iisipin na ibang bagay.. "


Bakit pakiramdam ko may bumabagabag sa kanya? May problema kaya siya? May pinagdadaanan?


Nababahala ako kasi hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon sa kanya. Gusto ko siyang tanungin pero sa tingin ko naman hindi niya gustong pagusapan ito, sabi nga niya wala muna siyang iisipin na ibang bagay. " You sound kind of down.. " Bulong ko ulit.

12 Bad Boys 2: UnrememberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon