CHAPTER 43. MEMENTO

Start from the beginning
                                    

“I want to take a bath with ice, too...” I muttered.

“Bakit kasi hindi ka nagpayong?” tanong niya. “Nagdala nga ako ng payong para sayo eh...”

“I forgot.” I said. Akala ko kasi malapit lang ‘yung ice cream.

“I‘ll get the umbrella then...” he said. “Hintayin mo nalang ako.”

Huminto kami sa sa isang gilid at sumilong, doon niya ako iniwan.

Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa makalayo siya, at hindi inaasahang may nahagip ang mata ko na isang interesanteng bagay.

May unggoy na nagtatago sa likod ng coconut tree...

*♡♤*

KEVIN‘S POV

“Seriously, Hominid. You‘re even stalking her now?”

Sa sobrang gulat ko ni hindi ko na nagawang sumigaw. Palingon ko nakita ko si Khali na kaswal na nakatayo doon. Hinila ko siya paupo sa tabi ko.

“What do you mean stalking? I‘m chilling here with my buko juice!” pagtanggi ko saka tinaas ang buko.

“Really? Behind this tree with your buko juice? Did you get that up there? Nice talent, monkey.” sarkastiko niyang wika.

Bwisit siya!

“Oh, they‘re leaving...”

Kokotongan ko na sana siya pero mabilis akong lumingon sa kinaroroonan nila dahil sa sinabi niya.

“Khali! They‘re leaving!” I hissed.

They‘re leaving at the store after buying hats!

Saan naman pupunta ‘yang mga ‘yan?!

“I know.” Khali replied nonchalantly.

Hinila ko siya patayo pero ayaw niyang sumunod.

“Akala ko ba nagchi-chill ka lang dito? At hindi nang-i-stalk?” sabi niya na may diin sa huling salita.

I sighed.

“Fine! Fine, let‘s just go!” pagsuko ko.

Sa lahat talaga ng mga kilala ko, siya lang ang nakakaalam tungkol sa nararamdaman ko kay Kianna. Kaya siya lang ang maaaring tumulong sa akin sa mga ganitong sitwasyon.

Ang nakakainis lang kasi, nakakaasar siya!

But this is better than tailing them alone! It‘s less suspicious, too! Baka mamaya mapagkamalan talaga akong stalker! Na gwapo!

“You must pay me for this.” she suddenly say.

“Alright!” sagot ko.

Teka... Parang kinabahan yata ako sa payment na ‘yun?

Kinareer na namin ang pagiging stalker. We bought caps for the both of us and a sunglass for Khali.

We followed them till they entered a gazebo, na snack bar. Kami naman ni Khali pumasok sa katabi nito, wherein matatanaw parin namin sila.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresWhere stories live. Discover now