"Huwag mo siyang igaya sa iyo." Parang kutsilyo na sumugat dito ang mga salitang iyon nang mamutla ito sa sakit at pagkabigla. "Stop fooling around me, Gail. I'm not stupid."

"Colton! What's happening? Bitawan mo si Gail!"

"Tita Carreine!" Mabilis na tumakbo si Gail papunta sa mommy niya saka yumakap.

"What happened hija?" His mother is very fond on Gail.

"Tita..." She sobbed and started crying. Damn it!

Nanliliit ang mata ng ina nang tignan siya. Nanghuhusga. Nagtatanong at nagtataka. But, he doesn't have much time to explain what's really happening.

"I need to cool down." He said firmly.

"No. Kailangan mong humarap sa mga magulang ni Gail."

"I'm sorry, mom. I can't." He walk towards them, then stop in front of them to see Gail clearly. She's hugging his mother. "We're not done yet." He muttered warningly at her and walk away from them without looking back even his mother called his name.

Nang makasakay siya sa sasakyan ay pinasibad niya kaagad iyon palabas sa gate. He get his phone on his pocket and to dialed K's number but she's fucking out of reach!

"Damn it!" He punch the steering wheel frustratedly.

Ang paunti-unting pagpatak ng ulan ay nababanaag niya na sa madilim na daan. Binabagtas niya ang kahabaan palabas ng Villa. Walang dumadaan na pampublikong sasakyan do'n, kung meron man ay madalang kaya malakas ang pakiramdam niya na hindi pa nakakalayo si K. Sana ay makita niya ito kaagad dahil ikababaliw niya kung hindi!

GAMIT ang kanyang sling bag ay tinakpan ni Karen ang ulo upang kahit papano ay panangga sa malalaking tipak ng ulan na nag-uumpisa nang lumakas.

Natatanaw niya na ang high way, kung saan dumadaan ang mga pampublikong sasakyan. Ngunit alam niya din na malayo-layo pa ang babagtasin niya para makarating do'n.

May iilan na dumadaang sasakyan galing sa Villa pero hindi niya tinangkang pumara. Ngayon na mukhang hindi na papaawat ang ulan at wala siyang makitang masilungan, siguro ay susubukan niyang pumara ng sasakyang dadaan palabas sa Villa.

Parang dininggin ng langit ang dasal niya nang may ilaw ng sasakyan ang paparating. Hindi na siya nag atubili at pinara iyon.

Pinilit niyang ngumiti nang huminto ang sasakyan sa tapat niya at bumukas ang bintana ng tsuper. Ngunit napawi ang ngiti niya nang ngumisi sa kanya ang lalaki.

"Yes, Miss? Wanna ride?" He's bald and old. She found his smile creepy.

"Ah, wala ho. Nagkamali lang ako ng pinara."

"Walang masyadong dumadaan na sasakyan dito. Pwede kitang ihatid palabas." Muli ay ngumisi ito. It's scaring her!

Umatras siya sa gilid. "Salamat na lang ho, Manong."

"Sige na. Halika. Pumasok ka na. Mababasa ka ng ulan."

"Okey lang po talaga. Hihintayin ko na lang po ang kaibigan ko." Pagsisinungaling niya dahil mukhang hindi siya nito tatantanan.

Dalawang ilaw muli ang natanaw niya sa likod ng sasakyan nito. Iyon ang ginawa niyang dahilan para tuluyang mapaalis ang matanda.

"Ah, nariyan na ho ang kaibigan ko." Itinuro niya pa ang paparating na sasakyan sa likod.

Nakahinga siya nang maluwag nang biglang umalis ang sasakyan sa harap niya kaya nagkaro'n siya nang pagkakataong parahin ang paparating na itim na van.

Kasabay nang paghinto sa tapat niya ng itim na Starex na iyon ay ang walang awat na pagbagsak naman ng malakas na ulan.

Napatili si Karen sa lamig bago kinuha ang maleta at nagmamadaling pumasok sa black Starex. Lalo lang siyang nilamig at nagtaasan ang kanyang mga balahibo dahil sa lakas ng aircon sa loob.

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang