64 - A Shattered Mind

Start from the beginning
                                    

"Dapat ba akong maniwala sa mga sinabi niya? What if she was just lying, and I'm sure hindi magagawang magsinungaling ng mama ko sa'kin, she told me before what really happened—nung maaksident ako, eh hindi naman katulad nung nangyari sa dream ko.. hindi ganon ang nangyari sa ikinwento ni mama."


Naisubsob ng dalaga ang kanyang mukha sa mga palad nito.


"And I can't imagine na magsisinungaling din si Lorence sa'kin, all of them.."


Humagulgol si Ellie at sumisikip ang kanyang dibdib dahil nasasaktan siya.


Inangat niya ng bahagya ang kanyang katawan at inilabas ang kwintas nito na nasa ilalim ng kanyang damit.


Hawak hawak ni Ellie ang kwintas na iyon habang tumutulo ang mga luha niya. "Kanino ka ba talaga galing? Sino ba talaga ang nagbigay nito sa'kin? Akin ka ba talaga?"


Ang dami daming tanong sa isipan ni Ellie ngayon, lahat ng iyon ay hindi niya alam kung paano sagutin.


"You have to listen to me Ellie! Hindi Ellie ang totoo mong pangalan dahil ikaw si Sandy! Your real name was Sandy Ferrer!"


Sumasakit na naman ang kanyang ulo at napapailing siya sa kanyang natandaan.


"You're happy? Ganon na lang? Hindi mo man lang iisipin ang mga taong nakalimutan mo? Paano kung may nasasaktan dahil hindi mo sila maalala? Hihintayin ka parin nilang maalala mo sila pagkatapos ikaw, ayaw mo ng maalala ang dati? Ang unfair mo naman at ang sama sama mo. Akala ko mabait ka? Hindi naman pala talaga.—"


Namumunto lalo ang mga mata niya.


"Ikaw si Sandy Ferrer, hindi ko alam kung bakit hindi nila sinabi sa'yo ang totoo, pero pasensya ka na, naaawa na kasi ako kay Xander—matagal niyang hinintay ang pagbabalik mo, pero bumalik ka nga kaya lang hindi mo naman siya maalala, hindi mo maalala na mahal ka niya. Hindi ka ba nasasaktan o nalulungkot para kay Xander sa tuwing ikaw ang dahilan kapag nasasaktan siya? Hindi ka man lang ba nagi-guilty? Mahal ko si Xander hanggang ngayon parin naman pero itinigil ko na ang pagiging desperada kong mapansin niya rin ako kasi nandito ka na eh, bumalik ka na and ikaw parin talaga ang babaeng mahal niya. Ikaw si Sandy, naaksidente ka non dahil mommy ni Charlie ang dahilan, naging kayo ni Charlie before kaya nagawa 'yon ng mom niya. Nawala ka at walang nakakaalam na dinala ka pala sa France, matagal kang hinintay ni Xander, bumalik ka na nga kaya lang, ganito? Wala kang maalala."


"I know wala akong maalala, pero 'yong mga sinabi niya? I don't think mapapaniwalaan ko ang mga 'yon."


Napasabunot si Ellie sa kanyang buhok, dinaramdam niya ang pananakit ng kanyang ulo, parang sasabog na ito dahil sa sakit.


Naiinis siya dahil wala siyang maalala na magpapatunay na totoo lahat ng mga sinabi ni Stephanie sa kanya noong isang araw. "Ayoko!" Tumayo ito mula sa kanyang inuupuan at nakahawak parin sa ulo nito. "Ayokong maalala ang lahat dahil!—Dahil hindi totoo ang mga pinagsasabi niya.. sinasabi niya lang 'yon dahil ayaw niya sa'kin.. hindi ako naniniwalang ako si Sandy.. hindi ako si Sandy!!"

12 Bad Boys 2: UnrememberedWhere stories live. Discover now