Chapter 12 : Shoot

Start from the beginning
                                        

" What? Ibig mo sabihin tinanggal nila agad yung model na ipinalit sayo nung nag decide ka tanggapin? Wow ah. That so rude of you Renz. " Naiirita kong sabi. Totoo naman eh. Naiimagine ko na ganu kakawawa yung model na pinalitan nya. I've been in this industry for how many years already, and I know how hard it is to get a good project like this. Lalo na kung di ka kilala.

" Do you think I will just let anyone touch you like this? Matapos nang nangyari kahapon? " tila nabulunan naman ako sa sinabi nyang yun. Kailangan talaga ipapa-alala?!

" A-Anong n-nangyari b-ba pinagsasabi mo! Hoy, di ko naman ginusto halikan ka ah! we both know t-"

" What are you saying? I'm not talking about how you kissed me. Its about yo---"

" Renz, Avic, nag-aaway ba kayo? kanina ko pa napapansin mga angles niyo dito sa camera. Puro nakakunot mga mukha niyo. Are you both okay? "

Natigilan naman kame parehas ni Renz ng marealize namin kung anong gingawa namin. Pinagmasdan ko ang mga nakapaligid samin. Nakatingin sila lahat sa aming dalawa na puro nagtataka. Haist. We should compose ourselves first. Kailangan isantabi muna namin mga personal issues namin coz we are in a workplace. Kase naman eh! pagdating sa kumag na to talaga nasisira ang mood ko!

" Oh no direk, we're fine. Nag-uusap lang kame ni Avic kung paano mapapaganda ang shoot naming to. " depensa naman agad ni Renz. Ngumiti nalang din ako tanda ng pag-sangayon. Thank God they believe it.

" Anyway, hijo, hija, gusto niyo ba iinstruct ko kayo every posing or kayo na ang bahala? Just tell me, para makapagsimula na. " sasagot na sana ako dahil parang mas preferred ko kung iinstruct na lang nya kame, pero naunahan ako ni Renz.

" Oh come on, Direk, you know me. I preferred freestyle. I'm sure Ms. Monteza wont mind." He looked at me teasingly while waiting for my answer. Actually, EVERYBODY is waiting for my answer at wala na ako naging choice kundi umo-o nalang.

" Good. Then lets start this shoot! " masiglang sabi ni Direk. Obviously, he likes it better too when his models are too professionals. Mas less ang trabaho at stress sa kanya.

Di pa man din ako nakakapwesto ng maramdaman ko ang pagyakap ni Renz mula sa likod ko pati ang pagpatong niya ng ulo nya sa kanang balikat ko.Bahagya akong nagulat at napalingon sa kanya causing his lips lands on my cheek. I blushed instantly! This jerk! He really knows how to annoy me! This game is his expertise! Di naman ako makapag-react ng galit dahil nga nasa harap kame ng camera. Mamaya ka talaga saken Renz!

" Perfect! That's a nice start! " says direk as he complimented as joyfully. Jusmiyo kung alam mo lang direk. Di po talaga kame sweet. There's a very huge silent war between us now! Nakakainis pa kase di mapigilang maghiyawan ng ibang staff. Mukang kilig na kilig din sila samin.

" Are you mad babe? Well its not my fault. Ikaw kaya tong biglang humarap. Just like what you did yesterday. " di ko napigilang kurutin sya dahil sa sinabi nyang yun. Ang loko halatang pigil na pigil ang pag-inda. Idinaan nalang nya sa pilit na ngiti. Masakit kaya yung kurot ko. hahaha!

" Alright. Now face each other and try another sweeter position. " Another hirit ni direk na mas lalo kong kinaasar.

Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong tumutol dahil nabigla ako ng iniharap ako ni Renz sa kanya saka ako muling hinapit sa bewang ko palapit sa kanya. I landed on his firm chest while my hands are not no calmly resting on his broad shoulders. Di ko na din naiwasan mapatulala sa mukha nyang sobrang lapit sa akin. Sabayan pa ng mapang akit at mapang asar nyang mga ngisi. I am very much speechless right now. At alam kong ito yung sitwasyong wala akong kawala sa isang katulad nya.

" I'm really enjoying this. Do you too, babe?" Napalunok na lang ako dahil hindi ko alam anu dapat kong isagot. Kung alam nya lang kung gaano katuyot lalamunan ko ngayon at kung gaano nanglalambot ang tuhod ko. Walanghiya talaga tong mokong na to. Palibhasa alam nya ang kahinaan ko pagdating sa kanya!

" Why don't you try putting your arms around my neck, babe? I think direk wants that too. " Ayoko man pero wala ako nagawa kundi sundin sya. Malamig naman dito sa studio pero pakiramdam ko kanina pa ako pinagpapawisan. Di na naman bago saken ganito concept pero bakit ngayong sya ang katrabaho ko, nagkakaganito ako?

" R-Renz, y-you're holding me too c-close... " pilit akong gumagawa ng distansya sa aming dalawa ng di nahahalata ni direk pero di ko magawa. He's too firm!

" Masanay ka na. Now that you're mine, I'll make sure there's more to come. " Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi nya kaya bigla kong natakpan ang bibig nya. Malakas na hiyawan at asaran ang sunod kong narinig mula sa mga kasama naming dito. Sa paningin kase nila ang sweet ng ginawa ko. ang di nila alam, pinapatahimik ko si Renz sa mga kamanyakang lumalabas sa bibig nya.

Matapos ang di ko na mabilang na poses at change attires namin, we're finally down to the last part of this shoot. This time Renz and I are in a formal attire. He's in his black and white tux and I'm in my body hugging white gown.

" Ok. One more to go and we're done. On this part, do posing like you're about to kiss each other. Don't worry I'm not requiring you to kiss . Just be the closest you two can be. Just hold on to that pose hanggang sa makababa lang ang curtain. May kasama kase tayong props na curtain dito." Paliwanag ni direk. Nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman kong huli na to at yun na nga ang huli naming gagawin. Kung tatagal pa ako ng another hour with him, baka di ko na kayanin. After talaga nito, I will really tell Lyks ayoko na makatrabaho si Renz in the future kaya reviewhin na nya maigi mga upcoming projects ko.

Matapos mai-set up ang curtain, nagsimula na din kame mag-pose. I placed my trembling hands in his broad chest. Ewan ko ba kung bakit mas tumindi ang kaba ko this time. Dapat nga sanay na ako dahil kanina pa naman namin to ginagawa.

Renz slowly encircled both his hands on my waist. He pulled me the closest he can. Yung tipong pigil na pigil na naman ang hininga ko. Gosh, he's too near! Isang kibot ko lang mahahalikan ko na sya. Sinubukan ko kahit paano eh umiwas but he caught my chin and held it up facing him. This time, I feel like I have no choice but to look straight to his eyes.

" Beautiful... " sambit nya na ikinapula ng pisngi ko. Napansin kong naibaba na ng tuluyan ang curtain at narinig ko na ang pagsigaw ni direk ng "Cut!" na sinundan ng masigabong palakpakan ng mga staffs. Hindi naman naming sila makita dahil natatakpan pa din kami netong curtain.

Di ko pa din mailabas ang pinipigil kong hininga dahil hindi pa din ako binibitawan ni Renz. Nakatitig padin sya hindi sa akin kundi sa labi ko!

" R-Renz... you can now let me go. Tapos na ang shoot. "

" That's where you're wrong Cassidy. I'm not yet done. " Tila gustong sumabog ng dibdib ko sa sumunod na nangyari.

Renz suddenly cupped both my cheeks and kissed me.

Yes! He is freakin' kissing me right now! And it is not just a smack! Kung ako tila tuod at di makagalaw, sya naman ramdam na ramdam ko ang paggalaw ng labi nya! He's making me respond but I don't know how! He should know by know I don't know anything about this thing!

" Now, I'm really convinced... " he said when he let go of my lips after I don't know how many freakin' seconds! feeling ko tumagal ng forever yung halik nyang yun!

" C-Convinced w-what? " Nauutal ko pang sagot. You cant blame me! What happened was just mindblowing!

" That Cassidy Victoria Moore.... ...
........is still a virgin. "

He even bent down again and gave me one last smack on my lips bago nya ako tuluyang pakawalan at umalis. Hindi ko na nagawa pang magalit o maasar man sa huli nyang sinabi dahil kasunod nun ay ang pagbagsak ng kurtinang nakatabing samin kanina.

Guess what I first saw after the curtain drops?

Ang nakangising mukha lang naman ni Lyka Mendez.

I'm A Nerd AND I'm Famous!Where stories live. Discover now