11 ~ I Want You

449K 12.8K 2.7K
                                    

Chapter Eleven

"UH! You want barbeque?! Okey!" Bulalas ni Karen at kaagad na lumayo kay Colton upang kumuha ng barbeque na kaluluto lang ni Esmeralda. Hindi niya mawari kung bakit mas lalong lumalala ang pakikisama nito sa kanya. Pinipilit niya nang umiwas, pero mukhang hindi nito batid iyon.

Isang malaking pagkakamali ang nangyari sa kanilang dalawa sa swimming pool kanina at ayaw niya ng dagdagan pa iyon sa pamamagitan ng pakikipaglapit sa binata. Dapat ay maging casual lang ulit ang pakikitungo niya dito. Siya, bilang nurse ni Colton at ito ay bilang amo niya. Hindi na dapat iyon lumagpas pa sa mas malalim na samahan na magdadala sa kanya sa isa na namang kasalanan.

"Ano pa ho ang gusto niyong kainin boss?" Si Esmeralda, nakabaling kay Colton.

"I like that one." Inginuso ng binata ang hawak niyang barbeque. "Come here, K. I want that."

Kinalma niya ang sarili at pinilit maging casual sa harap nito at ng mga taong kasama nila do'n. Muli ay naupo siya sa tabi ni Colton, ngunit binigyan niya ng distansya ang pagitan nila para hindi na muling magdikit pa ang kanilang mga katawan. Kapwa sila basa ng tubig, pero ramdam niya ang init sa bawat isa.

Tahimik na inabot niya dito ang hawak na barbeque. Kinuha nito iyon saka hinuli ang mga mata niya bago kinagatan. Mga matang nagsasabing nakagawa na naman siya ng kasalanan dito.

"Miss Karen, pwede na bang mag-inom si boss Colton?" Tanong sa kanya ni Ricky, ang hardinero, may hawak itong bote ng alak.

"Of course Ricky, I can drink—"

"Hindi siya pwedeng uminom." Putol niya sa sinasabi ni Colton na para bang isang nobya na binabawalan uminom ang kanyang nobyo.

Binalingan niya ang binata. Madilim ang mga mata nito na naliliwanagan ng kaunting pagkaaliw sa kanya.

"Kahit kaunti lang? Hindi pwede?" Masuyong sabi nito na naglagay ng bara sa lalamunan niya.

Bakit kailangan maging tunog na masunurin itong boyfriend na kailangan ay magpaalam pa sa kanya, na kung papayag siya ay ayos lang at kung hindi naman ay susundin nito?

"Pumayag ka na Miss Karen..." Nanunudyo ang boses na iyon ni Wenna. Nilalantakan nito ang sugpo do'n. "Kahit ilang shot lang. Hindi naman magpapakalasing si boss Colton."

"He needs to take medicine tonight..." She said and take a quick glance at him. "Pero kung gusto mo mag-inom, ikaw ang masusunod."

"Pwede naman pala! Shot tayo boss Colton." Maligayang aya ni Ricky at inilapag sa lamesa ang bote ng alak.

Colton move closer to her. At dahil nasa sulok siya ay wala ng dahilan para umusog siya. Kung lilipat naman siya ng puwesto, baka mahalata ng mga kasama nila na literal na iniiwasan niya ang binata.

Abala na sa pag-aayos ng lamesa ang mga kasama nila nang magsalita si Colton na halos pabulong lang.

"Baby, if you don't like me to drink, I won't drink."

Hindi niya ito tinignan. Mahahalata Ang lihim nilang pag-uusap. Isa pa, masyado nitong inilapit ang mukha sa gilid ng ulo niya, baka kapag humarap siya ay ang labi nito ang sumalubong sa kanya.

"A-ayos lang. Basta huwag kang mag-inom ng madami."

He nod his head slowly. "Okey, I won't."

Lumipas ang ilang segundo ay nag-umpisa ng mag-inom ang mga kasama niya. Ilang beses na siyang tinagayan pero ilan beses niya din iyon tinanggihan. Hindi siya umiinom ng alak dahil bukod sa namumula siya, ay nagpa-palpitate din siya kapag nalapatan ng alak. She'd rather drink water than liquor.

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon