Chapter 33: The Reason Behind

80 4 0
                                    

ZALDY'S POV

Habang pinagmamasdan ko na nasusunog na buhay sina Angela at Steffi ay hindi nakaligtas sa akin ang reaksiyon ni Zandro. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagkaawa.

"Kahit kailan ay masyado kang maawain sa kanila. Hindi ba ang mga ganitong uri ng tao ay hindi dapat mabuhay sa mundong ito?" tanong ko sa kanya.

"Natatakot ako sa kahihitnan ng mga ginagawa natin Zaldy, puwede tayong makulong," medyo naluluhang wika ni Zandro.

Oo, identical twin ko si Zandro. Pero magkaiba ang aming pananaw sa buhay. Magkasalungat din kami pagdating sa pag-iisip at personalidad. Matigas ako. Malambot siya. Wala sa aking bukabolaryo ang salitang awa. Naging matigas ako dahil sa aming nakaraan ni Zandro noong bata pa kami. Ang nakaraan na iyon ang nagtulak sa akin kung bakit ako nagkakaganito. Pero ang lahat ng ginagawa ko kagaya ng pagpatay sa kanila ay hindi ko pinagsisihan. Labis pa nga ng kasiyahan ang dulot nito sa akin.

"Ewan ko sa'yo Zandro. You're so pessimistic," irita kong wika.

"Why don't you stare them. Ganyan pala ang hitsura nila kapag nasusunog ano," nakakalokong tanong ko sa kanya.

Hindi umimik si Zandro bagkus ay agad ito nataranta.

"May tao!" bulalas na wika niya nang may marinig kaming parang isang sangang naapakan sa isang puno na malapit sa amin.

Agad ko itinutok ang hawak kong flashlight sa bandang iyon.

"Kung sino man kayo ay lumabas na kayo. Huwag na ninyo pahirapan ang sarili ninyo dahil bago sumikat ang araw ay hindi na kayo humihinga na buhay," malakas na wika ko. Ramdam ko na may nagmamasid sa amin kanina.

Dahan dahan ako lumapit sa isang malaking puno. Alam ko na may nagmamasid sa amin kay Zandro.

Sumunod naman ang aking kakambal at tama nga ang hinala ko dahil ilang dipa na lang namin sa puno ay agad nagtakbuhan ang dalawang lalaki.

"Fuck! Habulin natin!" Malakas na sigaw ko kay Zandro at mabilis ko silang pinaputokan ng baril.

Kilala ko ang mga lalaking tumakbo. Sina Denver at Gian.

Ngayon alam na nila ang lihim namin ni Zandro ay isusunod ko sila gaya ng ginawa kong pagpatay kina Angela at Steffi!

"Maghiwalay tayo! Kunin mo ang isa kong baril. Patayin mo sila kung makita mo," matigas na wika ko kay Zandro sabay abot ko sa kanya ng isa ko pang dala na baril at flashlight.

"P-Pero Zaldy.. Alam mo na hindi ko kayang pumatay ng tao," natatakot at protestang wika niya.

"Puwes, gawin mo ito. Para hindi tayo makulong. Ayaw mo naman makulong 'di ba?" mariin kong sambit sa kanya.

"Zaldy naman," naluluhang wika niya.

"Zandro! Huwag kang maging duwag! Maging matapang ka!" galit na wika ko sa kanya.

Kinuha ko ang kamay ni Zandro at binigay ko sa kanya ang baril. Wala na kaming oras kung patuloy pa rin kami magdidiskusyon. Kailangan ko patayin sina Denver at Gian dahil alam na nila ang aming lihim.

"Tatawag ako sa'yo mamaya!" ani ko at iniwan ko siya.

========

ZANDRO'S POV

Gulong-gulo ang aking isipan nang oras na iniwan na ako ni Zaldy na mag-isa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung ito-tolerate ko pa rin ba ang kanyang ginawa. Kasalanan ko din kasi dahil pumayag akong magpalit kami ng katauhan. Na siya ang magiging Zandro sa Kinetic Global Group. Nag-ugat noon na halos ipahiya ako ni Ma'am Lucy. Hindi ito matanggap ni Zaldy nang sabihin ko ito sa kanya noon. Ayaw niya kasi na may yumayapak sa amin na magkakambal. At doon nagsimula ang misteryosong patayan. Halos lahat kasi sa office ay may kayabangan. Galit siya sa mga mayayabang. At higit sa lahat ay galit siya sa mga taong mapang-api. Kasalanan ko din dahil naging mata niya rin ako sa mga taong kinaiinisan niya. Lahat naiidetalye ko sa kanya. Gusto ko siya magbago. Gusto ko tanggalin ang poot na nararamdaman niya simula noong bata pa kami kung saan nasaksihan namin dalawa ang pagkamatay ng aming magulang. Pero hindi ko alam kung paano. Nilamon ng poot at galit ang buo niyang pagkatao. Nang dahil din sa kanya ay maraming inosenteng tao ang nadamay at namatay. At maaaring mangyari din ito kina Denver.....

Murder at Kinetic Global GroupWhere stories live. Discover now