Chapter 10: Change Is Coming

115 10 9
                                    

DENVER'S POV

Dumating din ang araw ng weekend.  At ito din ang araw ng napagsunduan naming team building. Pinangatawanan din ni Steffi na hindi sumama which is pabor din sa amin. Mas maganda na hindi na rin siya sumama para hindi masira ang gagawin naming team building. Isang private resort ang pinuntahan namin sa Laguna. Although may kalayuan ay sulit din kasi kakilala ni Alex ang may-ari kaya kahit papaano ay may nakuha kaming diskuwento.

Masayang nagkakantahan ang mga boys sa videoke samantala ang mga girls na sina Belle at Carla ay kumukuha ng mga larawan para daw sa  kanilang Instagram. Napansin ko si Zandro na nakaupo sa tabi ng pool. Nilalaro ang kanyang mga paa sa tubig. Minabuti kong nilapitan siya at kinausap.

"Okay ka lang Zandro?" nakangiting tanong ko sa kanya. Tumabi ako sa kanya at umupo rin. Napansin ko na medyo balbunin pala ang taong ito dahil hairy ang kanyang mga  binti. Ugh! Sana hairy din ang mga binti ko. Para kasing babae 'yung sa akin dahil wala man ka-buhok-buhok ang mga binti ko.

Ngumiti at tumango sa akin si Zandro.

"Bakit hindi ka maki-join doon para makipagkantahan?" nakangusong turo ko kina Gian.

"Hindi po kasi ako kumakanta Sir," tugon naman ni Zandro.

"Ah ganun ba."

"Sir Denver?" tawag ni Zandro sa akin.

"Oh?"

"Sir, hindi ba kayo nahihirapan sa akin sa team mo?" mahinang tanong sa akin ni Zandro pero sapat na 'yun para madinig ko.

"Bakit mo naman natanong?" nakakunot-noong kong tanong. Ibinaling ko ang aking katawan para makaharap siya. Heto na naman siya. Nakayuko.

"Uhmm gusto ko lang po malaman Sir."

"Hindi."

"Kasi feeling ko Sir dahil 'ata sa akin ay hindi man natin naranasan na magkaroon ng incentives. Masakit man sabihin na ako ang dahilan kung bakit ang team natin ay laging nasa huli pagdating sa performance," malungkot na wika ni Zandro.

Tiningnan ko si Zandro. Ayaw ko naman siya sisihin dahil ni isa ay hindi pa kami nagkaroon ng incentives as a team. Hinawakan ko ang balikat niya at nagtama ang aming paningin.

"Long term project naman iyon eh, makakabawi din tayo. Tiwala lang," pagpapa-good vibes na wika ko sa kanya. Pagkasabi ko iyon ay agad niya iniwas ang kanyang paningin. Nailang 'ata.

"Sige Sir! Ipinapangako ko na babawi ako. Gusto ko patunayan na hindi ako pabigat sa team," nakangiting wika ni Zandro sa akin. Nakatulong 'ata 'yung sinabi ko. Hehe!

"Think positive!" wika ko at nakipag-fist bump ako sa kanya.

Natapos ang team building namin na masaya. Kung tutuusin ay hindi naman talaga team building ito. Bonding session lang ito para pantanggal ng stress. At sana pagdating ng panibagong week ay makakabawi na kami.

3RD POV

"Tingnan mo kung  ano ang nakunan ko," sabi niya sabay abot ng cellphone niya.

Nakakunot-noong pinagmasdan niya ang mga larawan. Kilala niya ang mga taong nasa larawan.

"P-paano mo sila nakunan?"

"Nagkataon na nagkakape ako sa coffee shop at hindi nila ako napansin na kinukunan ko sila."

"Listen their conversation." utos pa nito sa kanyang kausap.

Agad niyang pinindot ang play button ng video. At tugma nga ito sa mga nakuhang larawan. Maigi niyang pinakinggan ang pinag-uusapan ng mga taong nasa video.

Napakuyom ang mga kamao niya at nangilid ang mga luha nang marinig niya ang pinag-usapan nila.

"Ang sasama ninyo Jerson!" nanggagalaiti niyang wika pagkatapos niya marinig ang buong pinag-usapan sa video.

------------------
DENVER'S POV

"Sir Denver!"

Agad kong nilingon kung sino ang tumawag sa akin.

Si Zandro.

Aba! Himala! Siya na ang unang namansin sa akin. Mahiyain kasi ito at kapag kinakausap, napakahina ang boses nito.

Hinintay ko siya at ningitian ko nang malapit na siya sa akin. Nag-shave na ang loko. Wala na siyang bigote.

"Kumusta Sir?" inakbayan pa ako.

"A-ayos lang," wika ko. Parang nakakapanibago si Zandro pagkatapos 'yung "team building" namin. Ang cool niya. Transformation ba ito?

"Cool!" masayang wika pa nito at nakaakbay pa rin siya sa akin.

"Nag-enjoy ka ba noong sabado?" tanong ko sa kanya. Tinutukoy ko ang team building namin.

"Noong sabado?" nakakunot-noong tanong niya sa akin. Tinanggal na rin niya ang kanyang kamay na nakaakbay sa akin.

"Yeah. Our team building natin?"

"Ah oo, hehe! Ayos nga eh," natatawang sagot niya sa akin. Iniwas niyang tumingin sa akin. Nailang 'ata ulit.

Pagpasok namin sa office ay napansin ko wala pa si Gian. Ugh! Late na naman ito.

"How's the "team building" Sir Denver?" sarkastikong tanong ni Steffi na nilagyan pa ng quotation ang pagkasabi niya sa team building. Siya pa ang unang lumapit sa akin.

Ngumiti ako ng ubod ng tamis.

"Super saya nga! Nag-enjoy nga kami kahit wala ka. Thanks for not coming ha," sarkastiko kong sagot din sa kanyang katanungan.

Natahimik si Steffi. Tila siya pa napahiya which is buti nga sa kanya.

"K!" ismid niyang wika at bumalik na ito sa kanyang station.

Tatanong-tanong ka kasi eh. Napangiti na lang ako sa kanyang reaction.

Pagkaupo ko sa aking station ay lumapit sina Jerson at Angela.

"So how's your weekend Sir Denver?" nakangiting tanong sa akin ni Angela.

"Ayos naman," sagot ko pero hindi ko sila tiningnan. Abala na ako mag-log in sa aking yahoo account para magcheck ng mga emails.

"Another week for the incentives," sabat din ni Jerson. Nakangiti din ang gago.

"Yeah. I hope this time makabawi din ang team ko or team din ni Ma'am Pia,"  wika ko na rin at tiningnan ko si Jerson.

"I-train ninyo kasi 'yung mga taong pabigat ninyo para sa ganun makabawi din kayo," parinig ni Jerson sa akin.

Magsasalita sana ako pero tumayo bigla si Zandro at sumabat sa aming usapan.

"That's a good idea Sir Jerson. Why not Sir Denver do another retraining para sa ganun makabawi na tayo. Maybe not this week but eventually these following weeks, makakabawi na rin ang Team Denver," malakas na nakangiting wika ni Zandro.

Nagulat ako sa tinuran ni Zandro. Parang nagbago siya after our team building. Hindi na siya mahiyain gaya ng dati. Pokemon ba siya na nag-eevolve?

Hindi rin ako nagulat. Pati sina Jerson at Angela. Nabigla 'ata sila sa ipinakitang kilos ni Zandro.

"Sure! Why not?!" nakangiti kong wika nang makabawi na ako sa pagkagulat.

"Thanks for the suggestion Sir Jerson," nakangiting wika ni Zandro at marahan na tinapik niya ang balikat ng co-supervisor ko. Bumalik na ito sa kanyang station.

Nakakanibago siya.....

============
TO BE CONTINUED...

Murder at Kinetic Global GroupUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum