Chapter 5: Team Is Up

124 7 17
                                    

DENVER'S POV

Pagkatapos namin makita ang mga team members namin ay muling pinatawag ang lahat na pumunta sa pantry area. Kanya-kanya silang hula kung sino ang magiging supervisor nila at mga co-members nila sa isang team.

Dahil ako 'yung tipong taong madaling maexcite, nasabi ko kay Gian na siya ang kukunin kong QA.

"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Gian.

"Sshhhh ka nga! Ang lakas ng boses mo!" pabulong na wika ko. Pinangunahan ko na kasi 'yung announcement na sasabihin sa amin ni Ma'am Lucy.

"So it means, tataas din sahod ko?" nakangising tanong sa akin ni Gian.

"Ewan, haha!"

Mahina kong tinapik sa balikat si Gian at iniwan siya kasama ang mga co-analysts niya. Pumunta ako sa harapan kasama ang mga co-supervisors ko na sina Pia at Jerson.

"Now please take a look these papers. As you have seen, nandiyan ang mga pangalan ninyo at 'yung respective supervisor ninyo in a team," wika ni Ma'am Lucy sa mga agents sabay abot nito sa mga papel.

Agad tiningnan ng mga iba ang kanilang mga pangalan at nakita ko na may natuwa dahil napunta sila sa gusto nilang supervisor.

"Yes! Team Denver ako!" masayang wika ni Aldrin.

Kita ko rin 'yung mga iba na dismayado at hindi masaya sa magiging supervisor nila.

"Seriously? QA ako dito?" maarte at hindi makapaniwalang tanong ni Angela kay Jerson. Lumapit pa ito kay Jerson.

"Yup! So I am happy na ikaw ang napili kong QA sa team ko," masayang wika naman ni Jerson.

"Thank you Sir Jerson," masayang tugon ni Angela.

"Okay listen everyone. This long term project is about researching of the information of the business owners. This means we need to gather all necessary information of the property of one establishment like kung sino ang mga staff, share-holder, addresses and other information. Aside from this, there will be also a field project to verify this all information. So kailangan ninyo puntahan ang location ng isang establishment," mahabang pahayag ni Ma'am Lucy. Ito na 'yung description ng project namin as a team.

"You mean ma'am, there will be chances na we will be working outside here in this office?" tanong ni Gian.

"Absolutely Gian," agad ni Ma'am Lucy.

Wow, ang tapang magtanong ni Gian ngayon ah. Mabuti na lang hindi "sinumpong" si Ma'am Lucy.

Pagkasabi ni Ma'am Lucy iyun ay narinig ko na maraming na-excite sa project namin.

"This is it! Dora the explorer na tayo!" masayang wika ni Russel.

"Any question guys?" tanong ni Ma'am Sheena.

"None ma'am."

"Okay! This project will be starting by tomorrow. So I want you to finish our recent project today. Kung kinakailangan mag-overtime, please do it just to finish the project. Is that clear guys?" wika muli ni Ma'am Lucy.

"Yes Ma'am."

Agad ko napansin ang mga reaction ng karamihan ng marinig ang salitang overtime. Halos lahat ay nakasimangot. Pagkatapos iyon ay bumalik na sila sa kanilang mga station.

"Supervisors, please stay." wika ulit ni Ma'am Lucy sa amin.

Nagkaroon kami ng maikling pagpupulong regarding this new project namin. Pagkatapos ay pinabalik na kami sa sarili naming station. Bago ako makabalik sa sarili kong station ay naalala ko na hindi pa nai-share sa akin ang mga files ng Management. Muli akong bumalik kay Ma'am Lucy.

"Ma'am Lucy, hindi pa po pala naka-share sa akin 'yung mga Management Files," mahina kong sambit sa kanya.

"Okay. Will share it to you later," tugon niya at nagsimula na siya magbasa ng mga emails.

"Thank you Ma'am."

Nagpakawala ako ng malalim na buntung hininga pagkatapos ko masabi iyon. Akala ko susungitan niya at sabihin "Hindi ka makapaghintay."

Nangyari kasi 'yun kay Jerson noon eh. Mabuti na lang nasa good mood siya ngayon. Mabuti na lang nagpa-pizza party ako. Hahaha.

Pagkaupo ko ay muli kong tiningnan ang mga co-members ko sa hawak kong papel. Mabuti na lang binigyan kami ng copy ni Ma'am Lucy kanina. Narealize ko napunta pala sa akin si Steffi. Isa sa mga barkada ito ni Jerson. Pasimple akong tumayo sa station at tiningnan ang mga analysts na busy sila sa kanilang trabaho. Agad kong napansin na parang nakasimangot si Steffi habang nakatutok ito sa kanyang monitor. Hindi kaya ayaw niya ako as her supervisor? Oh well, si Ma'am Lucy ang nagsegregate ng mga members so wala na akong magagawa. Kung ako tatanungin, ayaw ko rin sa kanya dahil katulad din siya ni Angela. Maarte. Nakakaturn-off sa akin ang mga babaeng maarte eh. Napansin ko na may tatlong newbie napunta sa akin. Sina Zandro, Belle at Carla. Sana hindi sila maging "sakit" sa ulo pagdating sa trabaho as a team. Dahil sabi ni Ma'am Lucy ay parang magkakaroon kami ng competition at may mga incentives kami makukuha as a team depende sa performance ng bawat team. This means additional ito sa aming salary if ever may makukuhang incentives. Napansin ko agad ang reaction ni Jerson pagkasabi iyon ng aming Operational Manager. Nakangisi at tila may mga plano na. Bahala na si Batman sa amin.

Aja! Kakayanin ko ito! Kakayanin namin as Team Denver! Let the team battle begin!

==============
TO BE CONTINUED...

Murder at Kinetic Global GroupWhere stories live. Discover now