Chapter 30: The Brutally Tortured

76 3 0
                                    

MA'AM LUCY'S POV

Kasabay ng pagdilat ng mga mata ko ay ramdam ko ang pangingirot sa buong mukha ko. Dahan-dahan ko nilinga ang aking paligid at ang tanging nakikita ko lang ang kisame ng aking kuwarto. Medyo madilim na rin ang aking kuwarto marahil ay maggagabi na. Akma na sana akong babangon nang maramdaman ko na hindi ko maikilos ang mga kamay at paa ko. Agad akong nataranta dahil paano nakagapos ang mga paa at kamay ko duluhan ng aking kama?

Nagulantang na lang ako ng biglang kusang bumukas ang ilaw ng aking kuwarto at nadagdagan pa aking taranta na may halong takot ng may isang taong nakaupo at kanina pa ako yata pinagmamasdan. Naka-face mask ito ng itim na may larawan na bungo at tanging mga mata niya lang aking nakikita sa kanyang mukha.

Ngayon ko lang napagtanto sa aking sarili na nakagapos ang mga kamay at paa ko at may busal ang aking bibig.

"Kumusta Ma'am Lucy," bati niya sa akin ng taong nasa aking harapan. Lumapit ito sa akin at ako'y matamang pinagmasdan.

Gustuhin ko man na sumigaw ay hindi ko magawa dahil sa busal na nakatali din aking bibig. Napaluha na lang ako sa takot dahil alam ko na nasa panganib ako.

"Nagtataka ka siguro kung bakit kita tinali ano? Siyempre, para hindi ka na makatakas at mapatay na kita sa araw na ito," Tumawa pa ito sa aking harapan.

Pilit ako nagpupumiglas at hinihiling ko na lumuwag ang pagkakatali pero lalo lang ako nasasaktan dahil sa higpit ng pagkakatali nito sa akin.

Dinig ko ang malutong tawa ng taong kaharap ko.

"Huwag ka na magpumiglas Lucy. Dahil maya't-'maya na, makakasama mo na rin sina Sheena at iba pa ninyong mga empleyado noon,"

"So, sa paanong paraan mo gusto mamatay?" may pag-uuyam na tanong pa sa akin.

"Hindi ko na rin ito patatagalin dahil kailangan ko rin puntahan ang grupo nila. Isusunod ko rin sila sa inyo, pero since heto ang nasa plano namin, mauuna ka muna ha," aniya sa akin sabay haplos sa aking mukha.

Namin? Ibig sabihin ay may kasama siya sa paggawa ng mga krimen. Sino ba ito? At sino ang grupo na pupuntahan niya? Diyos ko! Katapusan ko na.

Napansin ko na lumabas ito sa aking kuwarto. Sinamantala ko ang pagkakataon para muling magpumiglas pero pakiramdam ko ay lalo siya humihigpit sa pagkakatali.

"Hahaha! Makulit ka rin ano Lucy. Sabi ko hindi ka na makakatakas," malakas na wika niya sabay halakhak nito. Nakabalik na siya mula sa kanyang pinanggalingan.

Napalunok ako sa nakita ko. Sa pagbalik niya, may dala siya na lagari at martilyo na tila magkakapintero ang dating niya. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin niya----- Oh Diyos ko! Iyan ba ang kanyang gagamitin para patayin ko?

Mabilis na nag-unahan ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa takot.. Alam ko, anumang oras ay papatayin niya ako.

"Alam mo ba kung bakit ko ito ginagawa?" tanong niya sa akin.

Umiiyak ako na umiling. Gustuhin ko man na sabihin na itigil niya ito pero hindi ko magawa.

"Dahil masyado kang mapagmataas. Pakiramdam mo ay napakagaling mo putang ina ka! Hindi porket na may mataas na posisyon kang pinanghahawakan ay kinakaya-kaya mo na ang mas nakakababa sa'yo. Bakit? Sino ka ba? Isa ka naman talunan na iniwan ng asawa mo!" malakas na bulyaw niya sa akin. Kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata.

Napapikit na lang ako sa takot. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Oo nga pala, I want to inform you that we are being recorded. Gusto ko na ibahagi sa kanila ang kamatayan mo. Hahaha!" Malakas na tawa niya.

Murder at Kinetic Global GroupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon