Chapter 28: Here we come, Laiya

76 5 4
                                    

DENVER'S POV

"Mama, aalis na po ako," wika ko sabay lapit sa kanya at humalik ako sa kanyang pisngi. Ngayon na kasi ang luwas namin papunta sa Laiya. Gaya ng napag-usapan ay sa mall ang napili naming meeting place. Doon kasi kami susunduin ng driver na kinuha ni SPO4 Corpuz.

"Sige. Mag-iingat kayo ha. Tumawag ka sa akin kapag nakarating na kayo doon," bilin na wika sa akin ni Mama.

"Opo Ma. Kayo din po, ingat rin," nakangiti kong wika.

Saktong alas tres na nakarating na ako sa mall. Medyo natraffic 'yung nasakyan ko na FX ng kinse minutos. Nandoon na pala sina Gian, Zandro at Pia. Ibig sabihin nito ay sumama din pala si Pia. Ang akala ko ay hindi na sasama dahil pakiramdam ko noon ay nagdadalawang-isip siya na sumama sa amin sa Laiya noon huli kaming nag-usap sa cellphone.

"Wala pa ba sina Sir Jerson?" tanong ni Zandro.

"Ang tanong, sasama ba mga iyon?" inis na tanong ni Gian sa amin.

"Ano ba ang sabi niya sa inyo?" may halong takang tanong ni Pia din sa amin. Kasalukuyan ito nagpapahid ng pulbos sa kanyang mukha.

"Sasama daw sila," sagot ko naman. Muli kong tiningnan ang oras, alas tres 'y media na ng hapon. Ang usapan ay alas tres nandito na dapat kami lahat para kami na lang ang maghihintay sa driver namin. Nakakahiya naman kung isa sa amin pa ang hihintayin.

"Tawagan mo nga Denver. Baka nagback-out na iyon," may halong inis sa tono ni Gian sa akin.

"Wait," aniya ko sabay dial nito sa number ni Jerson.

Medyo natagalan ako sa pagtawag sa numero ni Jerson dahil dalawang beses ko ito sinubukan na tawagan. Sa pangatlong tawag, sa wakas ay sumagot na ito.

"Oh?" aniya sa kabilang linya. Hindi man lang nag-"Hello" ang gago na ito.

"Sasama ba kayo?" diretso kong tanong.

"Yup. Bakit nagmamadali ba kayo?" pabalang na tanong sa akin ni Jerson.

"Nasaan na ba kayo?" tanong ko ulit. Medyo naiinis na rin ako sa paraan ng pananalita ni Jerson sa akin.

"Papunta na kami nina Angela at Steffi diyan. Maghintay na lang kayo," medyo bossy pa ang tono ng kanyang pananalita. Maya't-maya pa, naputol na ang aking tawag sa kanya.

"Ano daw sabi?" tanong sa akin ni Gian.

"Papunta pa daw sila dito," medyo badtrip na sagot ko.

"Ang aarte kasi nila. Sana 'di na lang sila sumama sa atin. Kung medyo maaga sana tayo kunti, hindi tayo aabutin ng dilim doon eh," pagmamaktol na wika ni Gian.

Maya't-maya pa, biglang tumunog ang cellphone ko. Si SPO4 Corpuz ang tumatawag.

"Denver? Kumpleto na ba kayo?" pabungad na tanong sa akin ni SPO4 Corpuz.

"Wala pa sina Jerson, Angela at Steffi , Sir," magalang na sagot ko habang abala naman ang mga mata ko na nagmamasid sa buong mall. Baka kasi nandito na sila.

"Papunta diyan 'yung isa ninyong back-up. Si PO1 Gringo Martinez. Siya na rin mismo ang magiging driver ninyo. Bahala na kayo mag-guide sa kanya doon sa pupuntahan ninyo," bilin sa akin ni SPO4 Corpuz.

"Sige po Sir," aniya ko.

"Ibibigay ko sa kanya ang numero ninyo para tumawag sa inyo," sabi ni SPO4 Corpuz.

"Sige po Sir. Thank you," pasasalamat na wika ko.

"Mag-iingat kayo. Kung nasa panganib kayo, tumawag kayo sa akin," makahulugan na wika sa akin ni SPO4 Corpuz.

Murder at Kinetic Global GroupWhere stories live. Discover now