Chapter 23: The Company's Status

72 4 1
                                    

DENVER'S POV

"Nasa sa inyong kamay ang kapalaran ng Kinetic Global Group."

Halos lahat kami ay napakunot-noo sa tinuran ni SPO4 Aguas. Ano ang kanyang ibig sabihin?

"Alam ko na naguguluhan ko, pero huwag kayong mag-aalala. Ipapaliwanag ko sa inyo ng maayos," muling wika ni SPO4 Aguas.

"Your Operation Manager, Lucy Abad is under custody of NBI."

Lahat kami nandoon ay naguguluhan. Ni isa sa amin ay wala pang nagtatanong dahil sa takot at marahil ay baka matulad kami ni Jerson kanina na sinigawan ni SPO4 Aguas.

"After what happened to my sister, Sheena, Lucy Abad received a death threat. Do you remember that Denver, na pinaalis kayo ni Lucy dahil nag-usap kami after may nareceived siyang death threat via email address," baling na wika ni SPO4 Aguas sa akin.

"Yes Sir," mabilis kong sagot. Kaya pala na galit na galit si Ma'am Lucy noon dahil marahil pinagbantaan din ang buhay niya noon at iyon nga, may natanggap siyang death threat.

"So since this case is under investigation, Lucy will not be reported here for her protection."

"Kaya pala, 'di pumapasok si Ma'am Lucy dito sa office," bulong na wika ni Gian sa akin.

Mabilis ko siyang siniko dahil baka magalit si SPO4 Aguas sa amin na nagbubulongan.

"And one thing more for the awareness of everyone here," saad muli ni SPO4 Aguas. Huminga muna ito ng malalim sabay tingin sa amin.

"The Kinetic Global Company will be closed if the case will not be dismissed."

Nabigla kami sa tinuran ng kuya ni SPO4 Aguas. Akala ko ba temporarily stop?

"Sir, 'di ba sabi mo temporarily matitigil ang operation?" tanong ni Pia.

"Yes. The DOLE gave a memo regarding this pero ginawan ni Lucy Abad para lang maisalba ang kumpanya na ito," sagot agad ni SPO4 Aguas.

"A-Ano po ang ginawa ni Ma'am Lucy, Sir?" follow up question ni Pia.

"Nakiusap siya na kung mahuhuli ang suspect within 2 to 3 months ay may chance ang Kinetic Global Group na hindi magsara. Within that period, matitigil muna ang operation for the investigation. So ibig sabihin nito, we have 2 to 3 months to solve this murder case otherwise, alam na ninyo ang mangyayari," sagot ulit ni SPO4 Aguas.

Halos lahat kami ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Kung katumbas lang ng tao ang Kinetic Global Group ay parang may taning na ang kanyang buhay.

"Sir, paano po pala kami. I mean wala po ba kami makukuhang insurance payment, separation payment?" nahihiyang tanong ni Steffi. Mukhang pera talaga ang babaeng ito.

"Hindi ko masasagot iyan Miss-" kunot-noo niyang wika.

"Steffi. Steffi is my name," malanding wika naman ni Steffi.

"Anyway, pupunta dito bukas si Lucy and may sasabihin siya sa inyo. Kahit papaano, alam na rin ninyo ang mga bagay na tatalakayin niya sa inyo. Nag-usap kami kanina via phone. So sa mga supervisors dito, pakiusapan ninyo ang mga members ninyo na magreport bukas ng umaga. Don't worry, hindi kayo mag-ooperate. Kailangan lang ni Lucy na ipaintindi rin sa mga taong parte ng kumpanya ang nangyayari sa ngayon," pahayag muli ng kuya ni Ma'am Sheena.

"Pero Sir, what if ayaw na nila pumasok dito dahil natatakot na sila?" tanong ni Zandro.

"Wala akong magagawa kung ayaw na nila pumasok but try to convince them for the sake of their awareness," ani SPO4 Aguas.

Murder at Kinetic Global GroupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon