Chapter 12: Congrats Zandro

102 9 2
                                    

JERSON'S POV

"What the f*ck! Palibhasa first time makakuha ng incentives! OA! First time kasi maambonan ng grasya!" naiinis kong wika. Dahil sa bad-trip ko ay niyaya ko sina Steffi, Angela at Timothy na magtambay at magkape sa tambayan namin coffee shop. Hindi na nakasama sa amin si Ramon dahil dadaan pa daw ito sa mall.

"Bitter?! Hey! Team Denver kaya ako?!" irap ni Steffi nang marinig niya ang mga sinabi ko.

"So what? First time ninyo! Ang OA ng Supervisor mo!" asar na wika ko.

"I don't care! Basta sa wakas makakatikim din ako ng incentives," aniya. Humalakhak pa ang bruha! B*tch!

"Well, tsamba siguro ni Zandro 'yung pagiging top performer analyst," sabat ni Angela.

"Suuss! Inggit ka 'teh?" pang-aasar ni Timothy.

"Gago! QA ako! Hindi ako mga gaya mo na analyst lamang!" inis na sagot ni Angela.

"Wow analyst lamang?? FYI, nanggaling ka rin sa analyst! Masyado mo naman minamaliit ang position namin?!" inis na sabat din ni Steffi.

"Tama na nga 'yan. Tayo na ang nagtatalo dito," inis na wika ko sa kanila.

Nag-irapan na lang sina Steffi at Angela.

"Okay, we're here para mag-chill dahil naiinis ako kina Denver. Don't be offended Steffi. Hindi ka kasama sa mga taong kinaiinisan ko," wika ko sa kanila.

"I hate him din kaya," ani din Steffi.

"Basta babawi tayo this week para isa din sa mga team natin ang makakakuha ng top performer," ani ko. Kailangan talaga makabawi kami.

"So what's your plan?" tanong ni Angela sabay sip nito sa iniinom niyang black forest shake.

"I don't know pa," sagot ko dahil wala pa talaga akong naiisip na game plan para sa aking team.

-----------------
DENVER'S POV

"Cheers!" masayang wika ko sa aking mga team-mates. Masaya kong itinaas ang hawak kong san mig light.

Nagyaya kasi si Zandro na lumabas kami para i-celebrate ang kanyang nakuhang reward. Hindi nakasama sina Belle at Carla dahil alam niya na sa ganitong lugar kami pupunta. Sa isang bar. Si Gian kasi ang nakaisip dito. Haha! As usual, hindi rin sumama si Steffi sa amin kaya lumabas na lakad ng mga boys ngayon.

"Cheers!" Malakas na sigaw naman nina Alex at Gian. Halatang natamaan na sila.

"Next time, huwag natin sanayin ang ating sarili na ganito kapag nagkakaroon tayo ng incentives ha," wika ko sa kanila.

"Bakit Sir?" curious na tanong ni Lance habang pumapapak ito ng french fries na aming pulutan.

"Well, ayoko naman na gastusin natin 'yung nakukuha nating incentives. Sa panahon ngayon kailangan din natin magtipid para in case na emergency eh may madudukot tayo. I hope you got my point," payo ko sa kanila.

"Tama po kayo Sir. Actually may alkansiya ako kasi nainspire ako sa isang page sa Facebook about sa pagtitipid ng pera," sang-ayon ni Jeremy.

"Peso Sense?" nakangiting sabat ni Zandro.

"Yup!" Sabay pa kami ni Jeremy na sumagot.

"No worries, gusto ko lang naman pasalamatan si Sir Denver dahil sa matiyaga niya akong ina-assist kaya niyaya ko kayo," nakangiting tugon ni Zandro sabay tingin sa akin.

"Sus! Wala iyon. Trabaho ko iyon bilang supervisor," nakangiting tugon ko rin.

"Alam ninyo, mabait talaga si Denver! Hindi tulad ni Jerson na ubod ng yabang simula na napromote siya as supervisor," giit ni Gian sabay akbay sa akin.

"Oo nga, napansin ko rin na ang hambog at parang arogante na kung kumilos si Sir Jerson," giit din ni Alex.

"Buti nga sa kanila. Akala nila na sila na ang "pinakamatalino" na team," ani Gian na namumungay na ang mga mata niya dahil sa kalasingan.

Marahan ko tinanggal ang nakaakbay niyang kamay sa akin.

"Hayaan na lang natin sila," wika ko sa dalawa. May punto naman kasi sila. Napansin ko na ganun na rin si Jerson. Kung baga "people change". Basta ako, kung ano ako noon analyst ako ay ganito pa rin ako as their supervisor.

Habang sinasabayan ko ang naisalin na tugtog ay parang may napansin ako. May taong nagmamasid sa akin at nang magtama ang aming paningin ay agad itong umiwas at lumayo. Pumunta ito sa maraming tao na nagsasayawan sa gitna.

Napatayo ako sa aking kinauupuan.

"Bakit Sir?" tanong ni Zandro.

Agad ako napatingin kay Zandro. Napailing at napakunot-noo ako.

"Lasing na 'ata ako," natatawa kong wika sa kanya. Imposible kasi 'yung nakita ko eh.

"Weak ka naman pala Denver!" kantiyaw sa akin ni Gian.

"Ulol! Ikaw na 'yung lasing!" natatawa kong wika sa kanya.

Nakangiti naman na nakatingin sa akin si Zandro. Ngumiti din ako sabay inom muli sa iniinom kong san mig light.

"Imposible 'yung nakita ko," wika ko sa aking isipan.

===========
3RD POV

"Muntikan niya ako nakita kanina," natatakot niyang sumbong sa kanyang kausap

"Tanga ka talaga! Baka mapahamak pa tayo sa ginagawa mo!" Malakas niyang bulyaw sa kanya. Napakuyom pa ito ng kamao para mapigilan niya ang kanyang emosyon.

"S-sorry na," mahinang wika niya. Halata ang panginginig ng kanyang boses. Ramdam niya ang takot nito.

"Huwag na huwag kang magpapahuli dahil kapag nabuking ang isa sa atin ay katapusan na ang lahat ng ating plano," mariin niyang wika.

Tumango ito bilang pagsang-ayon. Nakita niya ang pangingilid ng luha ng kanyang kausap. Nakaramdam siya ng awa pero agad din napalitan ng inis. Ayaw niya masira ang plano. Dapat umayon ito sa lahat ng kanilang napag-usapan na plano. Pinili niya ang umalis para hindi na humaba ang kanilang pinag-uusapan.

================

TO BE CONTINUED...

Murder at Kinetic Global GroupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon