Chapter 22: Coffee Vending Machine

71 4 0
                                    

DENVER'S POV

Agad naagaw ang aming atensiyon sa working floor nang sumigaw sina Lance at Jeremy. Ang boses nila ay galing sa pantry area. Mabilis akong tumungo doon na sumunod din sa akin si Zandro.

Halos din ang lahat ng nasa working floor ay pumunta sa pantry area.

"Shit! Anong nangyayari dito?!" malakas na sigaw ni SPO4 Aguas.

Halos lahat kami nagulat nang makita namin sina Alex, Timothy, Liza, Carla at Belle na nakahandalusay at bumubula ang kanilang mga bibig.

"Alex!" Malakas na sigaw ni Zandro. Mabilis niyang pinuntahan ang katawan ni Alex sabay yugyog nito..

"Lumayo muna kayo dito!" maawtoridad na utos sa amin ni SPO4 Aguas

"Hindi! Alex!! Sinong may gawa nito?!" Umiiyak na sigaw ni Zandro.

Napatingin si SPO4 Aguas sa coffee vending machine. Halos lahat kasi sa kanila ay may hawak na kape.

Pinagmamasdan ko naman ang mga kilos ni SPO4 Aguas.

"Pulsuhan ninyo sila kung may pulso pa sila," wika ni SPO4 Aguas at lumapit ito sa vending machine.

Mabilis naman pumunta sina Lance at Jeremy.

Umiiyak naman sina Angela at Pia nang makita nila na ang nangyari kina Timothy at Liza.

"Hindi kaya may lason ang  coffee vending machine?" dinig kong tanong ni Jerson sa amin.

"Posible," wika naman ni SPO4 Aguas.

"Sir," umiiyak na wika ni Lance. Napaiyak na rin ito dahil ang huli niyang hawak ay si Alex.

Halos sabay-sabay kaming napatingin nina SPO4 Aguas at Jerson.

"Wala na po sila," hagulgol na wika ni Lance.

"Putang inang killer ka!" Malakas na sigaw ni Zandro at niyakap niya ang katawan ni Alex.

Humagulgol at niyakap ni Pia ang katawan din ni Liza. Ang kanyang QA at matalik na kaibigan.

"Wala siyang puso," umiiyak na wika ni Pia. Tinutukoy niya ang taong may gawa nito.

Napaluha na lang ako sa sinapit nina Alex at awang-awa naman ako kay Zandro. Malapit kasi si Zandro kay Alex dahil lagi sila sabay tuwing lunch-break at magkalapit pa ang kanilang station.

Halos mapuno na rin ang pantry area namin ng iyak at takot.

"Sino ka bang killer ka ha? Lumabas ka! Putang-ina mo!" Galit na galit na sigaw ni Zandro. Patuloy pa rin ang paghahagulgol nito habang yakap ang katawan ni Alex.

"Bro, ang unfair mo!" umiiyak pa tugon ni Zandro sa wala ng buhay na si Alex.

"Wala munang iinom ng kape!" malakas na pahayag ni SPO4 Aguas. Nakita namin ang ginawa ng kuya ni Ma'am Sheena. Kumuha ito ng kape at ibinuhos sa isang halaman. Kalaunan, agad namin napansin ang mabilis na paglanta nito.

"Oh My God!" Napatutop sa bibig si Pia. Tama si Jerson. May halong lason ang kape namin sa vending machine.

"Shit! Sabi na nga ba eh! May halong lason ang coffee vending machine natin!" malakas na saad ni Jerson.

Napailing si SPO4 Aguas sabay linga nito sa buong pantry area.

"M-May problema po ba Sir?" tanong ko sa kanya.

"Matalino ang killer. Sinadya niyang lagyan ng lason ang coffee vending machine ninyo dahil walang CCTV na nakalagay dito sa pantry area ninyo. Kumpiyansa siyang inilagay ang lason sa vending machine ninyo," seryosong pahayag ni SPO4 Aguas.

Murder at Kinetic Global GroupWhere stories live. Discover now