Chapter 27: Everything Is Set But

83 4 0
                                    

DENVER'S POV

Mabuti na lang positibo ang nakuha kong feedback galing kay SPO4 Aguas. Ipinaliwanag ko sa kanya ang plano namin na pagpunta sa Laiya, Batangas. Nakiusap ako na kung maaari ay ihanapan niya kami ng driver na kakilala niya. Agad naman ito umuo na labis ko naman ikinatuwa. Tatawagan na lang niya ako sa Martes bago kami lumuwas tungkol dito. Napagsunduan namin na Miyerkules ng hapon kami bibiyahe. Mga tatlo hanggang apat na oras sa pagkakaalam ko ang oras ng biyahe. Hindi na rin namin proproblemahin ang pagstay namin kahit isang gabi doon dahil bahala na daw 'yung driver na kakilala ni SPO4 Aguas sa amin. Sa madaling salita ay kasado na ang lahat. Ipinalangin ko na lang na sana magwork ang suggestion ni Gian para sa ganun maisalba namin ang Kinetic Global Group.

"Mama, aalis po pala kami nina Gian this coming Wednesday," wika ko kay Mama habang kumakain kami ng pang-hapunan.

"Saan naman kayo pupunta, anak?" tanong niya sa akin na pasamantala niya itinigil ang pagsubo ng pagkain.

"Pupunta po kami sa Laiya, Batangas," magalang na sagot ko.

"Ano naman ang gagawin ninyo doon?"

"Magpapatawas po kami. Ipapatawas namin ang aming office," muli kong sagot.

Uminom muna si Mama ng malamig na tubig bago ito nagsalita.

"Patawas? Ang alam ko diyan ay tungkol sa mga sakit," nakakunot-noo na tugon ni Mama.

"Uhmm ewan ko po kay Gian. Sa kanya kasi galing ang ideya na iyon. Ang sabi, may nakilala sila na mangtatawas para makita o mabigyan kami ng clue kung sino ba ang killer sa office."

"Alam mo Denver. Hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ng mga officemates ninyo. Mabuti na lang suspended na ang operation ninyo. Kung hindi, hindi na kita papayagan na ipagpatuloy ang pagtratrabaho doon sa Kinetic Global Group," seryosong wika ni Mama. Alam ko na seryoso na ang kanyang pananalita dahil tinawag niya ang pangalan ko.

Nagpakawala ako ng buntung-hininga. Mukhang 'di ko 'ata mapapayag si Mama na payagan ako pumunta sa Laiya. Kailangan ko makumbinsi ang inay ko dahil tiyak na magagalit sa akin sina Gian kung hindi ako makakasama.

"Pero Mama, wala naman kami gagawing iba eh. Susubukan lang namin kung magwowork 'yung suggestion ni Gian. At saka Mama, bilang pagtanaw na loob ko na rin sa office kaya makikipagtulungan kami sa paraan na alam namin dahil kahit paano ay binigyan nila ako ng chance na maging Supervisor. Marami kaming mawawalan ng trabaho kung hindi namin masosolve 'yung kaso," wika ko. Sana naman pumayag na siya.

"Sige. Ikaw bahala. Basta ipangako mo sa akin kapag nagawa na ninyo iyan ay hayaan ninyo ang mga pulis ang gumawa iyan. Huwag ka na lang makikialam. Mahirap na baka madamay ka pa," may pag-aalalang wika ni Mama.

Yes! Pumayag na si Mama.

"Thanks Mama!" masayang wika ko sabay tayo at lumapit ako para yakapin siya.

"Ayoko lang na mapahamak ka anak," wika niya sa akin.

"Huwag po kayo mag-alala Mama. May back-up kami kay SPO4 Aguas," wika ko.

Tumango na lang si Mama at ipinagpatuloy namin ang pagkain.

Pagkatapos kami makapaghapunan, ako na ang nagboluntaryo na maghugas ng mga plato. Hinayaan ko si Mama na manood ng paborito niyang teleserye na Super Ma'am sa aming sala. Idolo niya kasi si Marian Rivera.

At nang matapos ko na ang paghuhugas ay agad akong dumiretso sa aming banyo para makapaligo.

Saktong pagpasok ko sa aking kuwarto ay biglang tumunog ang phone ko. Mabilis ko pinunasan muna ang basa kong kamay sa nakasabit na tuwalya sa aking katawan at tingnan ko ang phone ko, si Pia ang tumatawag.

"Hi Pia."

"Hi Denver! Musta ang lakad ninyo?" tanong ni Pia sa kabilang linya.

"Ayos lang naman," ani ko.

"So what's the plan? Ano 'yung pinag-usapan ng ating grupo?" muling tanong ni Pia sa akin.

"Everything is set now. This coming Wednesday ang punta natin sa Laiya. Hapon ang biyahe-"

"Miyerkules??" gulat na tanong ni Pia sa akin.

"Yup. Okay lang ba sa inyo?" tanong ko na may halong pagtataka.

"Bakit agad-agad..." mahina na winika niya pero nadinig ko naman.

""Yun kasi ang napagsunduan namin. Nasabi na rin namin kasi kay SPO4 Aguas ang pagpunta natin doon at siya na daw bahala sa magiging driver natin pagpunta doon sa lugar na pupuntahin natin," paliwanag ko.

Agad namagitan sa amin ang katahimikan sa pag-uusap namin sa cellphone na siyang labis kong ipinagtaka ko. Tila nagbago na 'ata ng isip si Pia at hindi na siya sasama sa amin.

"Sasama ka ba sa amin?" pagbabasag ko sa aming katahimikan.

"Ah--Oo. Sasama ako," medyo nautal na sagot ni Pia.

"Sige, chat chat na lang kapag malapit na 'yung araw na pagpunta natin," wika ko.

"Sige," sagot ni Pia kasunod doon ang tunog ng end call sa aming tawag.

Habang nagbibihis ako ng pantulog na damit ay napaisip ako tungkol kay Pia.

"Hindi kaya nag-aalinlangan si Pia na sumama sa amin?"

3RD POV

"Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko?" tanong nito sa kanyang kausap. Abala ito sa panonood ng "The Green Inferno" na pelikula. Tutok na tutok ang kanyang dalawang mga mata niya sa madugong pagpapatayan na eksena sa nasabing pelikula. Minsan sumisilay sa kanyang mga labi ang ngiti tuwing nakikita niya ang mga tauhan sa pelikula na labas ang mga internal organs habang pinapatay sila at sa dami na dugo na pinapakita sa The Green Inferno

"Oo," sagot ng isa. Abala naman ito nagtutupi ng kanilang mga damit.

"Magaling. So, ano ang natuklasan mo?" masaya niyang tanong. Agad siya bumaling ng puwesto mula sa kanyang kinauupuan at hinarap niya ang kanyang kausap.

"Sa ngayon ay nag-iisa siya sa kanyang lugar. Wala akong nakita ni isa niyang bodyguard," mahina niyang pagsasalaysay. Gustuhin niya sana na huwag sabihin ang kanyang natuklasan pero natatakot siya na baka malaman niya na siya ay nagsisinungaling.

"Magaling! Ako na bahala sa kanya. Basta iwan mo sa akin ang address ng bahay na kanyang tinitirhan," nakangisi niyang wika.

"Pero paano pala ang gagawin nila Denver? Paano kung matuklasan ng mangtatawas ang pagkakilanlan ng mga killer," nakayuko niyang winika. Parang hirap siyang sabihin ang salitang killer kasi sila naman ang mga tao na iyon.

"I don't care. As if mangyayari naman ang kanilang plano," tumatawang wika ng isa.

"Bakit?May naisip ka ba na plano?" nakakunot-noo niyang tanong sa nakangisi niyang kausap.

"Of course! Ako pa! Ako naman ang nag-iisip ng mga plano natin and hindi naman ito pumapalya!" pagmamayabang niyang wika.

Napayuko na lang siya habang nagsasalita ang kanyang kausap. Oo, hindi siya nagsusuggest kung ano ang kanilang plano. Tagapakinig lang ang papel niya. Minsan, tagapagmatyag at tagapagsalaysay o tagapag-ulat sa mga nangyayari. Pero ang lahat na ito ay hindi niya kagustuhan. Napipilitan lang siya pero wala din siya magagawa. Ayaw naman niya na mag-away sila.

"Ngayon, mas malupit na naman ang pasabog natin ngayon," nakangisi niyang wika habang pumapalakpak pa ito sa pinapanood na patayan na eksena.

Habang masayang nanonood ang isa, ang isa naman ay nangangamba na naman sa gagawin nilang plano. Ibig sabihin, MAY MAMAMATAY NA NAMAN.

=================

TO BE CONTINUED...

Murder at Kinetic Global GroupUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum