Chapter 7: Pissed Off

105 6 6
                                    

DENVER'S POV

Kahit hindi ipakita ni Zandro ang kanyang mukha ay alam ko na umiiyak ito. Dinamdam niya talaga 'yung sinabi sa amin ni Ma'am Lucy. Ikaw ba naman hindi masasaktan sa sinabi niya tapos napahiya ka pa sa loob ng office eh talagang magiging emosyonal ka. Nilapitan ko si Zandro at mahina kong tinapik ang kanyang likod.

"I'll talk to you later," wika ko sa kanya na tila nagulat pa ito na nasa likod niya ako.

"Y-yes Sir," dinig kong sagot mula sa kanya na may kasama pang pang-singhot. Umiyak nga siya.

Pagbalik ko sa aking station ay wala sa loob ko napalingon ako sa ibang team. Nakita ko kung paano ngumiti sina Jerson, Angela, Timothy at Ramon. Pakiramdam ko na masaya pa sila na napahiya ang aking team.

"Nakita mo ba kung paano ngumiti sina Jerson at Angela?" pabulong na wika sa akin ni Gian pagbalik ko sa aking station.

Kung ganun, nakita din ni Gian ang mga nakakaloko nilang ngiti.

"Oo."

"Ang saya nila ano, gustong-gusto nila na may napapahiyang mga analysts sa ating team," inis na wika sa akin ni Gian.

Nagpakawala na lang ako ng buntung-hininga. For the sake of incentives and appreciation ay parang naging competition na ang bawat galaw namin dito. Magmula na sinimulan namin ang project na ito ay naging selfish si Jerson. Nagfofocus lang siya sa sarili niyang team where in fact puwede naman kaming maging versatile bilang mga supervisor. Puwede din namin i-assist o tulungan ang hindi namin ka-member sa team.

"Pabibo!" inis na wika ni Gian nang marinig ko na pinuri ni Ma'am Lucy ang team nina Jerson.

Dumating ang oras ng lunch break. Napansin ko na tila hindi pumunta si Zandro sa pantry area o lumabas man lang para kumain sa labas ng building. Pagkatapos kong kumain ng lunch sa pantry ay nauna na akong bumalik sa aking station. Nauna na akong natapos kina Gian na kasama ko sila na kumakain ng oras na iyon. Nang makita ko si Zandro na tila nakayuko sa kanyang station, agad ko siya nilapitan at kinausap.

"Okay ka lang Zandro?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"O-opo Sir," nahihiyang sagot sa akin.

"Nag-lunch ka na ba?" muli kong tanong.

"Wala po akong gana Sir eh," pilit na ngiting sagot ni Zandro.

Ngayon ko lang napansin ang mukha ni Zandro. Napakaamo ang chinito niyang mukha. Makapal ang mga kilay. Maninipis din ang tubo ng kanyang bigote at wala siyang mga pores. Nainggit ako sa kanyang kilay dahil dagdag pogi points kapag ang isang lalaki ay makapal ang kilay. Ang sa akin kasi ay manipis. Kainis! Nainsecure tuloy na naman ako na di-oras. Haha!

"Huwag mo masyadong dibdibin ang sinabi ni Ma'am Lucy. Masanay ka lang. Strict kasi talaga siya," wika ko.

"Ganun talaga kapag matandang dalaga, bugnutin at masungit. Tigang eh," binulong ko sa kanyang tainga.

Napatawa ng mahina si Zandro sa tinuran ko.

"Hala si Sir!" natatawang wika niya.

"Kahit tanungin mo si Gian," natatawang sambit ko. Kahit paano napatawa ko siya sa kabila na nangyari kanina.

"Sir Denver," mahina niyang tawag sa pangalan ko.

"Ano 'yun?" tanong ko na nakangiti.

"Sorry po sa inyo ni Sir Gian ha kasi alam ko na ako na naman ang reason kung bakit hindi maganda ang performance natin as a team," nakayukong wika niya sa akin.

Ginulo ko ang buhok niya at humila ako ng isang upuan. Tumabi ako at tinapik ko ng mahina ang kanyang balikat.

"Wala naman kaso sa akin iyon eh. Huwag kang mag-sorry. Siguro may mali din ako kasi hindi ko rin nasupervise 'yung gawa mo," wika ko rin.

"So if ever nahihirapan ka, don't hesitate to approach me ha," nakangiting wika ko sa kanya.

"Thank you Sir Denver," nakangiting tugon din ni Zandro. Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Nagblu-blush ba siya? Haha!

Pabalik na ako sa aking station nang makita ko sina Gian at Alex. Kita ko ang hindi maipinta na mukha ni Gian.

"Gian, bakit ganyan ang mukha mo?" natatawang bungad kong tanong sa kanya. Patungo kasi siya sa amin sa kinauupuan namin ni Zandro.

"Nabwibwisit kasi ako diyan kay Jerson!" asik niyang wika.

"Bakit?" nakakunot-noong kong tanong sa kanya.

---------------------

GIAN'S POV

"Mauna na ako sa inyo," wika ni Sir Denver pagkatapos niya maubos ang baon niyang lunch.

"Ang bilis mo naman kumain," puna ko sa kanya. Hindi ko pa nakakalahati itong baon ko tapos na siyang kumain.

"May gagawin pa kasi ako eh," wika nito at dumiretso na ito patungo sa kanyang station.

"Okay! Pahingi ako ng baon mong gulay," wika ko kay Alex. May baon kasi siyang adobong sitaw.

"Sige."

Habang abala kami na kumakain ni Alex ay narinig ko na lang ang boses ni Jerson.

"I'm sure before this weekend, Team Jerson ang ulit makakakuha ng incentives!" masayang wika niya sa kanyang kasamahan.

Nilingon ko siya at tumingin sa akin. Nakita ko ang ngiti niya na tila nang-aasar.

"And I'm sure meron na naman tayong additional sahod nito. Eh ang team naman natin kasi ang bumubuhay sa project na ito eh. Tayo kaya ang pinaka-best!" wika niya muli.

"Trueeee Sir Jerson! Team Jerson ang pinaka-brainy!" dugtong na wika rin ni Angela. Hindi niya alintana na nandoon din si Ma'am Pia na kumakain at sigurado akong naririnig niya rin ang mga sinasabi nila.

"Tssk! Ang yabang nila!" pabulong na wika ko sa aking sarili.

Dahil doon ay hindi ko na inubos ang kinakain kong lunch.

"Tapos ka na rin?" tanong sa akin ni Alex.

"Nawalan na akong gana," mahinang wika ko sa kanya at nilagay ko na sa aking bag ang pinagbaonan ko.

"Wait, inom lang ako. Sabay na tayo pumunta sa ating station," ani Alex at uminom ito ng tubig mula sa dala niyang tumbler.

"Tayo na." Tumayo na ako sa aking pinag-upuan.

Muli akong lumingon kina Jerson at patuloy pa rin ito sa pagyayabang nila.

"Tsk! Sana maranasan din ninyo ang mapahiya kanina!" wika ko sa kanila sa aking isipan.

Pagbalik namin sa amin station ay nakita ko sina Sir Denver at Zandro.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong niya agad sa akin.

Gustuhin ko man siya sagutin sa pilosopong paraan pero wala eh, nabwisit talaga ako kina Jerson.

"Nabwibwisit ako kina Jerson!" asik kong sagot.

"Bakit?" muling tanong sa akin ni Sir Denver.

"Paano naman kasi Sir, ang yayabang nila lalo na iyan Angela. Sabi ba naman nila na sila ang pinaka-brainy na team. Tapos sabi pa ni Sir Jerson, for sure makukuha nila ang incentives for this week," pagsusumbong ni Alex.

"Ganun ba," mahinang wika ni Sir Denver.

Nakita ko si Zandro na nakayuko at tila hindi makatingin sa akin. Tila hanggang ngayon ay naguguilty siya dahil siya ang magiging dahilan kung bakit wala kaming makukuha na incentives.

===========
TO BE CONTINUED...

Murder at Kinetic Global GroupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon