Chapter 18: The Shocking News

101 4 0
                                    

DENVER'S POV

Medyo inaantok pa ako ng tiningnan ko ang cellphone ko. Alas singko na ng umaga kaya ito nag-aalarm. Pinindot ko ang off button nito at nagsimula na akong mag-ayos ng higaan. Tinupi ko ng maayos ang aking kumot na may larawan na Spiderman. Isinunod ko naman ayusin ang mga unan ko. Napalingon ako sa maliit na kalendaryo na nakasabit sa aking kuwarto. Hiling ko na sana ay Sabado na. Araw kasi ng Huwebes ngayon. Nakakatamad pumasok pero hindi naman puwede mag-absent ngayon kasi gagawin ngayong araw na ito ang lie detector test. At saka hindi na akong isang agent o analyst na puwedeng mag-absent ng basta-basta. May tungkulin na ako sa office dahil isa na ako sa mga management team. Patungo na sana ako sa banyo para makapaghilamos nang biglang nagring ang cellphone ko.

"Sino naman ito? Ke aga-aga naman na para tumawag," ani ko sa aking isipan.

Napakunot-noo ako dahil unknown number ito. Ayaw ko sana sagutin dahil hindi pa kasi ako nakapagmumog. Pero napaisip ako kaagad. Hindi naman niya ito maaamoy 'di ba? Adik lang? Haha.

"H-Hello?" pagpindot ko sa receiving call button.

Napakamot ako sa ulo nang wala naman sumasagot sa kabilang linya.

"Sino ito?" tanong ko.

Wala pa ring sumasagot. Pero alam ko na parang pinapakinggan niya lang ang boses ko.

"Hoy! Kung sino ka man, huwag na huwag kang tatawag kung hindi ka man nagsasalita ha! King-ina mo!" inis kong winika. Wala akong pakialam kung sino man ang ponciong pilato ang tumatawag sa akin. Alangan ako ang mag-aadjust? Nek-nek niya!

Akma ko sana pipindutin ang end call button nang biglang nagsalita ito sa kabilang linya. Parang mamang estranghero ang boses. Medyo malalim ito.

"Check your Facebook," wika nito sabay dinig ko ang pagputol ng kanyang tawag.

Kahit weirdo ang dating niya sa akin pero nakadama ako ng kilabot at kunting takot. Sino siya at paano niya nakuha ang number ko? Anong meron sa Facebook?

Mabilis akong nagpunta sa banyo para makapaghilamos at makapagmumog. Pagpunta ko sa kusina ay nakita ko ang nanay ko na abala sa paghahanda ng aming almusal.

"Good morning anak," masayang bati niya sa akin.

"Good morning ma," nakangiti kong bati din sa kanya. Tiningnan ko ang kanyang ginagawa. Abala siya sa paghihiwa ng sibuyas. Ginisang itlog siguro ang uulamin namin ngayon.

"Nagmamadali ka ba anak? Hindi pa kasi ako nakaluto eh, sinumpong na naman kasi 'yung insomia ko kaya medyo late na ako nakatulog," saad ni Mama habang hinuhugasan ang hiniwa niyang mga sibuyas.

"Ah hindi naman po," sagot ko.

"Sige, lutuhin ko lang muna ito ha," aniya.

"Sige Ma."

Pumunta muna ako sa aking kuwarto at kinuha ang cellphone ko. Agad ko pinindot ang Facebook icon sa aking cellphone at laging gulat ko na ang unang bumungad sa akin ay:

RIP Ma'am Sheena Aguas. We will miss you. :(

Post ito ni Pia.

Shit! Totoo ba ito?

Agad ko binasa ang mga comments sa ibaba ng post ni Pia at puro nga "RIP comments" mula sa mga officemates ko.

Mabilis kong binuksan ang aming television at nagbabakasakali na maibalita ang nangyari sa HR namin.

Oh Shit! Paano nangyari iyon? Kausap pa lang namin kahapon si Ma'am Sheena.

Pero puro tungkol naman ito sa mga presyo ng bibilhin sa merkado ang kasalukuyang ibinabalita.

"Shit! Walang kuwentang mga balita!" naiinis kong wika.

Palakad-lakad ako sa aming sala habang nagbabasa patungkol sa biglaang nangyari sa aming HR. Lahat ng nakitang kong mga posts ay hindi din makapaniwala sa nangyari.

"Mama!" Hindi ko na napigilan ang aking sarili para sabihin ito sa aking ina.

"Oh?"

"Tingnan mo itong post ng co-supervisor ko, patay na daw 'yung HR namin," wika ko kaagad at mabilis ko ipinakita ang post ni Pia sa kanya.

"Huh? Paano? Pinatay ba siya?" Hindi rin makapaniwala din ang aking ina sa aking ibinalita.

"Hindi ko alam eh, hindi kasi ako nag-Facebook kagabi kaya ngayon ko lang nakita ito-" agad akong natigilan dahil biglang kong naalala na may tumawag sa aking unknown number sa aking cellphone kanina. At ang sabi sa akin ay:

"Check your Facebook..."

"Check your Facebook..."

"Check your Facebook..."

Paulit-ulit itong umaalingaw-ngaw sa aking pandinig. Nakakatakot. Parang ang kanyang boses ay galing sa ilalim ng lupa.

"Ayos ka lang ba, anak?" untag sa akin ni Mama.

Napalunok ako. Hindi maaari ito. Kailangan ko ng confirmation. Kailangan ko malaman kung totoo ba na patay si Ma'am Sheena.

"Tatawagin ko lang si Gian, Ma. Aalamin ko kung totoo ba namatay si Ma'am Sheena," wika ko. Ewan ko, hindi kasi ako kuntento sa nababasa ko sa mga post sa Facebook. Gusto ko kasi marinig man ito sa mga kakilala ko at ang unang pumasok sa aking isipan ay si Gian.

"Sige. Diyos ko, ano ba ang nangyayari sa kumpanya ninyo anak, puro patayan na lang ang nangyayari," may kabang saad ni Mama sa akin.

Iniwan ko si Mama sa kusina at agad akong nagtungo sa sala. Hinihiling ko na sana masagot sa pamamagitan ng pagbabalita ang nangyari sa aming HR sa TV.

"Bro!" mabilis kong wika nang narinig kong sumagot si Gian.

"Oh bro, napatawag ka!" sagot naman ni Gian.

"Nabalitaan mo na ba?" tanong ko.

"Ang alin?" pabalik na tanong sa akin ni Gian.

"Si Ma'am Sheena, patay na! Alam mo ba 'yun?"

"Seryoso ka?!" tanong muli ni Gian. Mukhang hindi niya rin alam ang nangyari kay Ma'am Sheena. Hindi ko kasi alam ang number ni Pia. Hindi naman siya online sa messenger niya kung saan puwede ko sana siya kausapin. Doon ko kasi nakita ang post niya patungkol kay Ma'am Sheena.

"Alam mo ba number ni Pia? Sa kanya ko kasi nakita 'yung post na namatay na daw si Ma'am Sheena eh," sambit ko sa kanya.

"Oyyy bro! Dumada-moves ka eh, hahaha!" dinig ko ang nakakaasar na tawa ni Gian.

"Ewan ko sa'yo! Check mo 'yung post ni Pia para malaman mo 'yung sinasabi ko!" gigil na wika ko sa kanya sabay pindot sa end call button. Minsan, hindi rin nakakatulong ang gago na ito. Sarap pektusin!

Napaupo ako at nag-isip. Anong ikinamatay ni Ma'am Sheena? Sa pagkakaalam ko, wala siyang sakit. Pinatay kaya siya? Pero sino naman ang papatay sa kanya?

Napahawak ako sa aking ulo at hinilot-hilot ko ito. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Kailangan ko na pumunta sa office," wika ko sa aking sarili.

-----------------

"Sir Denver!" Nakita ko si Zandro na palapit sa akin. Nasa biometrics area ako nang oras na iyon.

"Zandro, totoo ba? Patay na ba si Ma'am Sheena" agad ko siyang tinanong.

"Yes Sir. Natagpuan daw 'yung bangkay niya sa underground parking area ng building na ito," malungkot niyang sagot sa akin.

"Sir Denver, gusto mo ba na pumunta muna tayo sa pinangyarihan. Kasalukuyan, may mga pulis pa doon. Magtanong tayo sa kanila," wika din ni Alex.

Tumango ako.

"Sige, tayo na," mabilis kong winika. Maaga pa naman at saka sigurado na hindi kami makakapagtrabaho ngayon dahil isa na naman ang namatay sa aming office. Ang masakit pa, HR namin iyon.

===========

TO BE CONTINUED...

Murder at Kinetic Global GroupWhere stories live. Discover now