Chapter 19: A Brutal Murder

90 5 3
                                    

JERSON'S POV

"Sir, ano po ba talaga ang nangyari sa aming HR?" tanong ko sa isang pulis na kasama sa pang-iimbestiga. Nang makita ko agad ang post ni Pia ay agad ko tinawagan sina Angela at Steffi. Pati din sila ay nagulat sa nasagap nilang balita. Oo, patay na si Ma'am Sheena. Mabuti na lang ay maaga kaming pumasok nina Angela. Kukunti pa lang ang mga tao kanina sa office. Naabutan ko sina Zandro at Alex na pareho malungkot ang kanilang mga mukha. Iniwan ko sila sa working area namin dahil agad akong nagtungo dito sa underground parking area kung saan naganap ang krimen.

"Base dito sa ginagawa naming imbestigasyon, pinalo-palo ng salarin ang ulo ng HR ninyo hanggang sa mabasag ang bungo nito," seryosong sinambit ng pulis na pinagtanungan ko.

"What the fuck!" Hindi ko na napigilan ang mapamura sa nalaman ko. Grabe! Napakabrutal naman ang pagkamatay ni Ma'am Sheena. Wala na doon ang bangkay ng HR namin. Marahil dinala na ito sa morgue.

"May supervisor ba dito?" tanong ng isang pulis.

Agad ako napalingon. Sakto naman dumating din si Denver, kasama niya sina Alex at Zandro.

"Tsk! Heto naman ang epal," inis kong bulong sa aking sarili.

"Kami po nina Sir Jerson, Sir," dinig kong sinambit ni Denver.

Paglapit sa akin ni Denver ay agad siyang nagtanong tungkol sa imbestigasyon.

"Ano daw ang nangyari kay Ma'am Sheena?" tanong niya sa akin.

Tiningnan ko na lang siya. Sa totoo lang, ayaw ko sana makipag-usap sa kanya. Naaasar kasi ako sa pagmumukha niya.

"May mga pulis dito, why not sa kanila ka magtanong," wika ko.

Nakita ko paano akong tiningnan ng masama ni Denver. Marahil nainis siya sa tinuran ko. Ano ako, Information Officer? Puwede naman siya magtanong sa mga pulis eh. Hinayaan ko na lang siya ganun niya akong tingnan. Hindi ako natatakot sa kanya. Sana siya na lang ang pinalo sa ulo at pinatay ng killer.

"Sir, ano po ba ang nangyari dito?" dinig kong tanong ni Denver sa isang pulis.

Gaya ng pagkakasabi sa aking ng naunang pulis na pinagtanungan ko, ganun din ang pagkakakuwento niya kay Denver.

"Ako nga pala si SPO4 Jake Aguas, ang kapatid ni Sheena Aguas," dinig ko na pagpapakilala sa amin ng isa sa mga pulis.

--------------

DENVER'S POV

Siguro kung ako lang ang tipong hindi marunong makapagtimpi ng galit ay kanina ko pa nasapak si Jerson. Ang bastos ng pakikitungo sa akin. Nang tinanong ko siya kung ano ang nangyari kay Ma'am Sheena ay pabalang pa na sumagot ito.

"May mga pulis dito, why not sa kanila ka magtanong," wika  sa akin ng gago.

"Tang-ina mo, gago ka! Sana ikaw na lang ang pinatay," nanggagalaiti kong wika kay Jerson sa aking isipan sabay tingin sa kanya ng tang-ina-mo-look. Nakakasira lang siya ng araw kaya sa isang pulis na ako nagtanong.

"Sir, ano po ba ang nangyari dito?" tanong ko sa isang pulis.

"Supervisor ka ba?" pabalik na tanong sa akin ng pulis.

"Opo Sir," agad ko na sagot.

"Pinatay ang HR ninyo. Pinalo-palo ang kanyang ulo ng isang matigas na bagay hanggang sa mabasag ang ulo nito," aniya sa akin.

Halos manlambot ako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makapaniwala sa nasagap kong impormasyon. Napakademonyo ang pagpatay sa kaawang-awa naming HR. Ang tanong na bumabagabag sa akin ay sino ang walang puso na pumatay kay Ma'am Sheena?

Murder at Kinetic Global GroupWhere stories live. Discover now