Chapter 32: The Revelation

68 4 3
                                    

DENVER'S POV

Nang oras na iyon ay wala kaming imikan ni Gian. Pareho kaming nag-iisip kung paano kami makakahingi ng tulong at paano kami makakabalik na ligtas ang lahat. Aminado din ako na may pagkakamali din ako dahil hindi ko naibigay kay Gian ang number ni SPO4 Aguas. Hindi ko kasi inaasahan na mangyayari ito sa amin.

"Nasaan ang phone mo?" tanong ko kay Gian.

"Battery empty bro, nakalimutan kong i-off ang data ng cellphone ko," kagat-labi na saad ni Gian.

Shit! Wala na! Ang hiling ko ay lumabas na ang araw para madali lang sa amin ang humingi ng tulong. Ang alam ko ay nahinto ang aming sasakyan sa hindi matao at mabahay na lugar at bibihira lang ang sasakyan na nadadaan dito.

Napapitlag ako nang may marinig akong pagkislot sa mga maisan na malapit sa aming pinagtataguan ni Gian. Agad kaming umalerto at pumulot kami ng malalaking bato bilang depensa namin sa aming sarili.

"Hey! Ako ito!" agad niya pagpapakilala sa kanyang sarili.

Si Jerson!

"Jerson?" gulat na tanong ni Gian.

"Nasaan sina Angela, Steffi, Pia at Zandro?" agad kong tanong.

"Malay ko! Kita mo naman na nag-iisa lang ako 'di ba?" pabalang sagot ni Jerson.

"Jerson. Putang-ina mo!" malutong na wika ni Gian na may kasamang inis.

"Teka anong problema mo? Putang-ina mo rin!" ganting saad din ni Gian.

Marahas na ibinagsak ni Gian ang hawak niyang bato at hinila niya ang suot na damit ni Jerson.

"Pati ba naman dito ay dala mo pa rin ang ugali mong magaspang?" galit na tanong ni Gian. Kita sa mga mata niya ang inis at poot niya kay Jerson.

"Tama na iyan!" Agad akong pumagitna sa kanila. Nasa bingit na kami ng kamatayan ay nakukuha pa nilang mag-away sa halip na magtulungan.

"Tayo na nga Denver! Iwan natin ang gago na iyan!" Inis na wika ni Gian at naglakad na ito palayo sa aming kinatatayuan.

"Ikaw kasi," mahinang wika ko kay Jerson at naglakad na ako patungo kay Gian.

"Eh 'di kayo na ang magsama! Sana makita kayo ng killer at sabay niya kayong patayin," tumatawang wika niyang pahabol sa amin.

Nainis ako sa tinuran ni Jerson pero hindi ko na lang ito pinansin. Hindi ako mag-aaksaya sa kanya ng panahon. Ang mahalaga sa amin ay makaligtas kami nina Gian at mahuli namin ang killer.

Sa hindi kalayuan na kinaroroonan namin ay nadinig naming ang pagsigaw ni Steffi.

"Help!"

"Hindi ba boses ni Steffi iyon?" tanong ko kay Gian.

"Oo, parang boses niya 'yung sumigaw eh," sang-ayon na turan niya.

"Teka, puntahan natin," wika ko agad.

"Nababaliw ka na ba?" agad na tanong sa akin ni Gian.

"Nababaliw?" naguguluhan kong tanong.

"Hayaan mo siya. Alipores siya ni Jerson! Hayaan mo siya na patayin siya ng killer."

"Gian! Are you out of your mind?! Officemate natin siya! Kargo natin ang isa't-isa kaya dapat tulungan natin siya!" seryoso kong saad sa kanya.

"What if nandoon ang killer at tayo din ang kanyang isunod?" inis na tanong ni Gian sa akin.

"Iisa lang siya! Kaya natin siya!" wika ko. "At kung may makita tayong gamit na puwede nating gamitin para makahingi ng tulong kay SPO4 Aguas, ay malaki ang chance na mahuli natin ang killer," dugtong na wika ko pa sa kanya.

Narinig ko na lang ang malalim na bunting-hininga na pinakawalan ni Gian.

"Sige. Alangan hayaan lang kita na kumilos at lumaban na mag-isa," nakangiting turan sa akin ni Gian.

======

SPO4 AGUAS' POV

"Shit! Bakit hindi sumasagot si Denver sa tawag ko?" inis kong tanong sa aking sarili. Pangsampung beses na ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sumasagot. Kahit ang numero ni PO1 Gringo Martinez ay hindi rin sumasagot.

"Delikado ngayon sina Denver. Kailangan ko pumunta sa station para ipa-trace ko ang cellphone ni Martinez," wika ko at mabilis ako nagpalit ng damit.

"Ngayon kilala ko na ang killer, nasa panganib naman ang buhay nina Denver dahil kasama siya sa pagpunta nila"

======

ANGELA'S POV

"Paanong dalawa kayo?" naguguluhan kong tanong.

"Hahaha! Ewan ko ba kung boba ka ba talaga o tanga or both!" tumatawang wika niya sa akin.

"Z-Zandro? Pero bakit dalawa kayo?" gulat at naguguluhan na wika ni Steffi.

"Naku! Isa pa ito! Boba din!"

Agad ko napansin ang isa pang "Zandro". Tila hindi ito umiimik at nahihiya na tumingin sa amin.

"Magkakambal kayo?" matapang kong tanong sa kanila.

"Tumpak! It's so obvious naman! We are identical twin!" wika ni Zandro sabay palakpak nito ng kamay.

"Ano ba ang kailangan mo sa amin?" galit kong tanong.

"Kailangan ko kayong patayin dalawa," nakangising wika ni Zandro.

"Bakit? Ano ba ang kasalanan namin sa'yo?" dugtong kong tanong. Ewan ko kung saan ako humuhugot ng lakas na loob para magtanong sa kabila ng sitwasyon na kinalalagyan naming.

"Ahh! Dami mong satsat! Hindi ko ugali ang mag-explain! We are here to kill you. That's all!" inis na wika niya sa amin.

"Zandro, akin na iyan dala mo," utos na wika niya sa kanyang kakambal.

Zandro? Kung si Zandro ang nasa kanyang likod. Sino naman siya?

"Who the hell are you?" galit kong tinanong sa kanya.

Napangisi ang "Zandro" na nasa harapan ko.

"You know what Angela. Gusto ko ang angas mo?!" wika niya sabay hila niya sa aking buhok.

"Ahhh!"

"Oh My God!" tarantang wika ni Steffi.

"Ewan ko kung saan ka kumukuha ng lakas para magtanong in that way despite sa sitwasyon ninyong dalawa ni Steffi. Alipores nga kayo ni Jerson. Nagmana nga kayo sa kanya. Birds with the same feather, flock together ika nila," aniya.

"But don't me! Never akong natakot sa kaangasan ninyo sa office noon!" galit na wika sa akin sabay untog niya ng aking ulo sa puno at sinampal niya ako ng ubod ng lakas.

Halos nahilo ako sa ginawa niya sa akin.


Murder at Kinetic Global GroupWhere stories live. Discover now