9th: Orange Hair

Zacznij od początku
                                    

It's so rough and frizzy! And it's damn orange! Sa dinami dami ng kulay, why orange?! Seriously?! Why this shade of Orange?!

"Then who changed my shampoo there? Girls, this isn't a good prank. Swear." Muli ay tumalikod ako para tignan muli ang buhok ko sa salamin, wishing this was just a dream.

Lahat silang apat ay tanging pag sabi lang na hindi sila ang gumawa sakin nito at hindi nila alam kung sino.

Then who did this to me? Who can possibly enter this room aside from us?

"Ariia, malelate na tayo" sambit ni Hailey na nakatayo sa tapat ng pinto.

Sa buong oras ay tanging pagtingin lang sa buhok ko ang ginawa ko.

Damn! Bakit ang bilis ng oras?! Kailangan ko nang pumasok with this kind of hair!

"Whaaaaa! Hailey! It's so disgusting! It's so dry, rough and frizzy. Ang pangit tignan ng kulay na to sa ulo ko! " reklamo ko rito habang pilit na hinahakbang ang mga paa ko palabas.

"It's ok, pupunta naman kayo ni Angel sa salon mamaya right?" Pilit na ngiti nito para pagaanin ang loob ko pero alam ko naman na hindi rin siya natutuwa sa kulay na nakikita niya.

Hindi ko maintindihan kung ngiting nag papalakas ng loob ba ang binibigay nito sa akin o ngiting nangaasar eh!

At tulad ng inaasahan, lahat ata ng nadaanan kong estudyante ay nakatingin sa akin, sa buhok ko.

Can they just stop looking?! Panget na nga titignan pa nila!

Konting hakbang nalang ay mararating ko na ang unang subject ko.

Damn it! First subject ko palang! Bakit ang tagal ng oras?! I want this color out of my hair now!

"Oh hi! Nice hair!" Tawang sambit ng isang babaeng biglang sumulpot sa harap ko.

B*tch!

Lumihis ako ng daan para lagpasan sana siya pero hinarangan lang ako nito.

Damn it! Can she not mess with me right now?!

"Not so fast! I don't know what fashion taste you have. You look like a clown!" Tawang tawa nitong sambit.

Saglit kong pinadaanan ng tingin ang lalaking nakatayo sa tabi nito. Tahimik ito at tulad ng dati, hindi parin siya makatingin sa akin.

"Ano? Masaya ka na?" Pagtataray ko rito at matapang siyang hinarap sa harap ni Nathan kahit pa kulay Orange ang buhok ko.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon. Ngumisi ito at...

"No! Not yet! Say cheese!" Iniangat nito ang kaniyang cellphone at isang pag blink lang ng ilaw ang nakita ko. Hindi ako nakaiwas ng tingin.

"There! I think I'm ok now! Let's go MY Nathan!" And with that, they left.

Naiwan akong mag isa nang lagpasan nila ako.

What the hell?! That b*tch!

If I know siya ang gumawa nito sa akin!

And with that thought, an idea popped in my mind.

Napangisi nalang akong mag isa at nag patuloy na sa klase ko.

**

Kahit na may magandang ideang umiikot sa utak ko ay hindi ko parin maiwasang hindi mahiya sa itsura ko ngayon.

Pinagtitinginan parin ako ng mga estudyante. Mapa junior high schools at seniors habang nag lalakad ako sa field papuntang Amaranth building.

"Ariia?" Isang kamay ang naramdaman ko sa balikat ko na dahilan ng pag hinto ko.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz