7th: Dreamland

Comincia dall'inizio
                                    

"I just did it" hindi makapaniwalang sambit ko rito.

I can't believe that I just passed through them without feeling drowned by the fact that they're together.

"Yes you just did! " she exclaimed

"You shouldn't be the one who's adjusting for everyone's comfort." komento nito nang magtuloy na kami sa pag lalakad.

"Yes, I know. Thanks to you. They should pick the one they're gonna mess with, and I guess they chose the wrong person" I evilly laughed that made her laugh too.

"I guess I should wish them luck" she said while laughing.

"You better not. Wish them karma" muli ay sabay kaming tumawa na parang mga nababaliw na sa sobrang saya namin sa napakaliit na bagay

"sige na. Baka mahuli ka pa sa klase mo, bye" paalam ko rito na nagpaalam na rin at tumuloy na sa paglalakad.

Pumasok na ako sa pintong nakabukas pa lamang, senyales na wala pa ang guro sa loob.

Mabuti nalang at dumating si Angel kung hindi ay baka hindi pa ako nakakarating dito sa classroom ko ngayon.

Nilakad ko ang maliit na pagitan mula sa pinto hanggang sa likurang bahagi ng classroom kung saan agad kong nakita si Criexxen na diretso ang tingin sa akin habang palapit ako sa kaniya.

Ano naman kayang problema nito?

"What?" I asked expressionless as soon as I took my seat.

"I saw Nathan and Melissa coming on your way, have you seen them?" Parehas ko ay wala rin itong ekspresyon sa kaniyang pag sasalita.

Ano namang paki-alam niya?

"Yes" napangisi ako sa pagsagot ko.

I just remembered what happened just a minute ago. Tss.

"Are you ok?" Tanong nito habang nakatingin lang sa harap.

Nanatili ang mga tingin ko rito. Napatitig ako sa kaniya dahil sa pag tatanong niya.

Is he concern now?

"I'm just curious. You know, what a cry baby would do if ever her guy is with another woman" he shrugged and remained facing front.

Tss. Bwisit! Bakit ko ba kinakausap to?

"First of all, I'm not a cry baby, and secondly, I don't care if you're curious. Tss, I wish that curiosity really kills" I smirked at him and faced front too.

Tanging iling at ngisi ang sagot nito na nakita ko sa peripheral vision ko.

Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na rin ang guro namin para sa subject na ito.

Habang nasa klase ay lumilipad ang utak ko. Pakiramdam ko nga ay ang layo na ng narating nito eh. Tsk. As usual, wala nanaman akong naintindihan sa discussion dahil sa sobrang pag iisip.

Nang marinig ang bell ay agad akong nag ayos ng gamit ko para mapuntahan na ang next subject ko, at para rin makalayo na sa lalaking to na ang alam lang gawin ay ngumisi sa akin.

Nang wala na ang mga estudyanteng nag uunahan sa pag labas ng pinto ay lumakad na rin ako palabas.

Hindi ko naman maiwasang hindi lumingon sa likod ko nang makita ang pag sunod sa akin ni Criexxen.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora