Gago talaga nito eh, natatawa tuloy kami sakanilang dalawa. Si Yulie iritang irita kay Kenchan, si Kenchan naman tuwang tuwa kay Yulie. Haynako naman!

Si Nash naman ang binigay niya kay Kendra ay lipstick, perfumes, at kung anu ano pa. Kasi yun daw ang collections niya. Tuwang tuwa naman si Kendra

Si Kendra naman ang binigay kay Nash ay relos, sabi niya mahal daw, original at kung anu ano pang pagyayabang ang sinabi nya.

Si Earth ang binigay kay Kim ay dress. Maganda ang dress, bagay kay Kim. Pero kapag nagkaroon ako ng panahon, kukunin ko yun >:D

Si Kim naman ang binigay kay Earth ay helmet. Ang corny nga ni Kim eh. Hahaha, madami kasing motor si Earth, yun ang collection niya.

Si Kim ano ang binigay kay Nash?

Eh si Nash, ano ang binigay kay Kim?

WALA! WALA SILANG IMIKAN!

Yulie's POV

"Papatayin talaga kita! Papatayin talaga kita Kenchan! Leche ka talaga! Kahit kelan, panira ka talaga ng mood" sabi ko sakanya

Nasa seaside kami ngayon. Wala lang, ang cheap kasi nitong kasama ko. Sabi niya magdedate daw kami sa pinakasosyal na resto, tapos sa seaside ako dinala. Pero okay na rin eh, hindi naman importante sakin kung sosyal ba o hinde eh. Basta ba kasama ko siya. JOKE! Syempre, importante yon noh. Haha.

"Yulie! Tigilan mo nga ako. Papatayin mo ako? Eh patay na patay ka nga sakin. Sus! Kunware ka pang ayaw mo ang gift ko. Gustong gusto mo naman." sabi pa niya sakin

"Oy wag mo nga akong itulad sa mga babaeng nakakaano mo. Kasi hindi ako kagaya nila na natutuwa kapag bibigyan mo ng nighties at shorts. Hoy hindi ako kagaya nila noh!" sabi ko pa

"Oh talaga? Yulie, ah-- pwde ba kitang halikan?" tanong niya

Natigilan naman ako sa sinabi niya. *dug dug dug dug*

What's happening? Ba--bakit naman ganito ang feeling ko? Hindi ko maintindihan.

Hindi ko alam, pero napapikit nalang ako bigla.

"Wahahahahahaahaha."

Dumilat ako nung marinig ko ang tawa niya. Tawa siya ng tawa.

"Wahahaha-- A--akalain mo yun-- hahahahaha-- grabe Yulie! Feel na feel mo eh!" sabi nya sabay halakhak

Napabuntong hininga na lang ako. "Hay! Bwiset!" sabi ko

"Asus! Anong ikinakabwiset mo? Yung gift ko sayo o yung di ko paghalik sayo? Hahahaha-- alin dun?" 

"Heh! Tumahimik ka nga dyan. Wag mo kong kausapin." sabi ko pa sabay talikod sakanya

"Uy hahaha. Joke lang eh. Sabi mo kasi di ka kagaya nung mga babaeng nakakaano ko eh, tapos nung tinanong ko sayo kung--"

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaah! Tumigil ka nga." sabi ko sakanya sabay takip ng bunganga niya. Kung anu ano pa ang sinasabi eh.

"Osige na, sige na. Hahaha. Di na ko mang aasar. Pero susuotin mo talaga yun ha."

"Sheez. Mapapatay kita Kenchan"

Nash POV

Nagsiuwian na kami. Nauna na si Kendra, dahil sinundo siya ng driver niya. Kaya naman humanap na ako ng pagkakataon para makausap si Meeko. Lumabas ako. Paglabas ko, nakita ko siya, nakatayo lang. Siguro hinihintay nya si Earth.

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Where stories live. Discover now