Chapter 11 : Void

Start from the beginning
                                        

" Eh sa hindi ka ideal saken eh? Anong magagawa ko? Eh di sana dun ka sa mga babae mo kumuha ng magpepretend na girlfriend mo! "

Kinabahan ako nung nakita ko syang tumayo at tumabi saken closely. Yan na naman sya. Malakas pakiramdam kong puro kalokohan na naman ang mga susunod nyang gagawin.

" Then what's ideal for you babe, hmm? Not someone like me who's just gonna hold you close like this?" Walang sabing hinapit na naman nya ako sa bewang palapit sa kanya.

" Not someone like me who's gonna held your chin like this? " hinawakan nya ako sa baba ko saka mas iniharap ang mukha ko sa kanya. I now have a full view of his captivating eyes.

" And not someone like me who's gonna do this to you even without your permission. " I felt he's slowly leaning toward me to kiss me. Siguradong sigurado ako ngayon na itutuloy na nya ang tangkang paghalik sakin! Kaya mariin akong napapikit at napasigaw ng " NO KISSING! "

Pagmulat ng mata ko, ganun pa din sya kalapit saken and it seems like his eyes are full of questions.

" What did you say? "

" N-No K-Kissing! That's my fourth condition! Yeah we can do the basic things couples do, but definitely not kissing! Di na kailangang humantong pa doon! Don't you ever, as in never, try to kiss me! " I said with determination. I want him to know how serious I am with this one.

" Sure babe. I will agree on that but I have to add something. That condition of yours will become void pag ikaw ang unang humalik sa akin. "

I think my mouth kept open for I don't know how many seconds dahil sa sinabi nyang yun. At talagang iniisip nyang gagawin ko yun?!

" Asa ka naman? As if that will happen. Consider this condition valid until the end of this pretend relationship. " I said with conviction. Sinamantala ko ang pagkakataon na kumalas sa kanya at itinuon ko nalang ulit ang pansin sa ineencode kong terms and conditions namin. Idinagdag ko na din ang sinabi nyang condition na pag ako nga daw ang unang nanghalik sa kanya, mapapawalang bisa ang condition kong yun. Gusto ko syang suntukin dahil sa sobrang inis ko. Talagang naniniwala syang gagawin ko yun! Ako paba? Hindi ang isang Avic Monteza or Cassidy Moore man ang mag initiate ng halik sa kanya no!

Naputol lang ang pag-iisip ko ng narinig kong tinatawag nya ako.

" Babe... This is my fourth time calling you.. humarap ka naman saken.. Hey babe... " paulit ulit nyang tawag saken na may kasama pang pagkalabit sa balikat ko. Tila lalong nadadagdagan ang inis ko dahil sa ginagawa nya! Hindi to titigil hangggat di sinasaway eh!

" Ano ba ka--- "

Ni hindi ko na nagawang tapusin ang balak kong panenermon sa kanya dahil sa gulat ko sa mga pangyayari. Kung may oras man na gusto kong lamunin ako ng lupa, I think now is the best time! How the hell did this thing happened! Why of all people sya pa!

Why did I ended up kissing him!

Yes you read it right! I ended up kissing Renz Timothy Anderson!

Di ko namalayan na sobrang lapit na pala ng mukha nya habang nakaupo sya sa gilid ko. Kaya nung biglang harap ko sa kanya, sumakto ang labi ko sa labi nya. At napakalakas ng pakiramdam kong sinadya nya yun!

Until now, nanglalaki pa din ang mata kong nakatitig sa mata nya. Ni hindi ko pa nga din maialis yung nakalapat kong labi sa kanya dahil tila naninigas ang buong katawan ko!

I felt Renz' lips formed a little smile saka sya ang unang kumalas.

" I told you babe, that condition of yours will be void. See? Ikaw ang unang nanghalik. "

Hindi pa din ako makapagsalita. Until now I know that my shocked face is still very evident. At alam kong enjoy na enjoy tong mokong na to sa nakikita nya. What can I do?! I still can't get a hold of myself! My precious first kiss is now gone! Kahit pa sabihing smack lang yun!

Hanggang sa makatayo si Renz at naglakad papunta sa pinto, di ko pa din nagawang magsalita. Too speechless sa kakapangyari lang and too occupied sa kakasaway sa puso kong hanggang ngayon eh sobrang lakas at bilis pa din ng tibok.

" Labas muna ako. You go finished that one. I already laid my conditions, tapusin mo nalang ang sayo. Will review it later. " akala ko talaga eh tuluyan na syang lumabas pagkasabi nun kaya nagulat pa ako ng muli nyang isinilip ang ulo nya.

" By the way babe, just wanna tell you that I enjoyed your soft lips. Yun nga lang medyo bitin. Hayaan mo next time, ako na mag-initiate." He even gave me a wink bago nya tuluyang isinara ang pinto.

So finally iniwan nya din ako huh?

Yeah. He left me looking like little girl who is about to cry because she lost her toy.

How I wish it was just a toy. But damn, its my precious first kiss!

I'm A Nerd AND I'm Famous!Where stories live. Discover now