"If I were you, I will ask Colton to give you a break...a long break, rather." Paunang sabi nito. "I know you're bored, pero hindi mo pwedeng idahilan 'yan para makipagtsismisan sa mga kasambahay."

"Hindi ako nakikipagtsismisan."

"Then, ano ang ginagawa niyo, huh? Nagtatawanan pa kayo sa oras ng trabaho!"

"Bakit? Kailan pa pinagbawal ang magtawanan sa oras ng trabaho?" She cannot control the sarcasm on her voice.

She saw how her beautiful face heated in anger. "Don't you dare talk to me like that!" Gail pointed a finger on her. Again! "Nurse ka lang ng fiance ko at wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan—"

"Gail!"

Hindi niya alam kung matutuwa siya sa pagdating ni Colton o maiinis lang siya dahil hindi man lang siya nakasagot sa babae.

Galit na nilingon ito ni Gail. "What? Pagtatanggol mo na naman itong nurse mo?!"

Imbes na sumagot, ay tinignan siya ni Colton. His emotionless eyes bored into here making her heart thump crazily. Kung bakit kahit sa ganitong pagkakataon ay nagagawa pa din nitong baliwin ang puso niya. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya kayang tumagal ng titigan kung gano'n na lang magwala ang puso niya dahil dito.

"Where are you going?" Colton asked gently.

Kung hindi niya pa ulit tignan ang binata ay hindi niya malalaman na siya pala ang tinatanong nito dahil sa kanya na naman nakatingin. O talaga bang hindi nito inalis ang tingin sa kanya?

"Sa kwarto." Sinadya niyang palamigin ang boses niya.

Inisang hakbang ni Colton ang pagitan nito at ni Gail. He's now standing beside his fiance, giving her a good view how perfect they are together.

Itinago niya ang pait na ngiti sa kanyang labi. Gail is right, she's not belong here. Wala siyang puwang sa mundong ginagalawan ng mga ito. Isa lamang siyang hamak na extra sa buhay pag-ibig ng dalawa.

Sinundan niya ng tingin ang kamay ni Colton ng hawakan nito sa siko si Gail at marahan na hinapit palapit, upang sa gayon ay wala ng harang sa daraanan niya.

Nakayuko na nilagpasan niya ang mga ito at nagderederetso sa kanyang silid. Naupo siya sa gilid ng kama at hinilamos ang mukha gamit ang dalawang palad.

"Hindi ko dapat ito nararamdaman! Hindi dapat ako nasasaktan! Hindi dapat ako nagseselos!" Bigo niyang kinakastigo ang sarili. "They're bound to marry each other before I came in the picture! I don't like to be a villain on their love story!" Karen shook her head absentmindedly. "Dapat ay matigil na itong kahibangan ko! Hindi ko siya pwedeng mahalin...Hindi pwede..."

ANG ASUL na tubig sa pool at ang mga lumalangoy do' na kasama niya ay ang siyang nagpapapayapa sa damdamin ni Karen. Hindi niya na batid ang pananghaliang sikat ng araw na tumatama sa lounge na inuupuan niya.

"Swimming tayo?" Nakangiting aya sa kanya ni Jonas.

He's wearing a printed summer shorts and goodness he's topless! Kaya naman pala palinga-linga at padaan-daan sa gawi nila ang ilang grupo ng kababaihan!

"Mamaya na. Magpapaaraw muna ako." Binuntutan niya iyon ng maiksing tawa.

Naupo ito sa katabing lounge. Balak talagang kausapin siya. "You want to have a tan skin?"

Wala sa sariling pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan niya. Hindi man kaiksian ang suot niyang summer shorts ay litaw pa din ang hubog at puti ng binti niya. Kulay pink ang manipis na spaghetti strap sando ang suot niya at sa ilalim niyon ay itim na bikini. She tied her hair in a messy bun and wear her sunglasses.

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon