Opo, sinampal ko nga. Gago eh. Maayos ang pagkakatanong ko sakanya, pinipilosopo lang ako =_= 

"Para yan sa pamimilosopo mo Nash. Nakakainis!" sabi ko sakanya

"Tss. Tara na, 6 pm na pala. Dun na tayo sa bahay namin. Hinihintay na tayo nila mama dun." sabi pa niya

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

LOCATION: Sa mansion nila Nash

"Happy birthday Meeson!" sigaw ni ate Aphrodite

Pagpasok namin sa bahay, andaming pagkain pero lima lang kaming andito sa bahay. Sabi kasi ni nash, wag na daw mag imbita ng ibang tao para daw hindi mapagod si Meeson. Pero habang kumakain kami, nakatulog na si Meeson, karga ko si Meeson habang kumakanta ng lullaby.

10 PM, nagpaalam na kami kila ate Aphro at sa mama ni Nash. Dahil sa maingay si ate Aphro, nagising si Meeson.

"Aphrodite ang ingay mo! Tah mo, nagising tuloy si Meeson." sabi ni Nash sa ate niya

"Whatever. Ako lang ba ang maingay? ikaw rin naman ah. Umalis ka na nga dito. Iuwi mo na ang pamilya mo." sabi ni ate Aphro.

Pamilya? Tss. Kung alam mo lang ate, hindi na po kami nakatira sa condo niya.

Nasa bahay na kami. Pagpasok namin sa bahay, kinuha ni Kathy lahat ng gamit na binili ni Nash para kay Meeson, tatlong beses na nagpabalik balik si Kathy sa kotse ni Nash dahil sa dami ng pinamili niya kay Meeson.

Pagpasok namin sa bahay, Umiyak si Meeson tapos biglang gustong magpakarga kay Nash. Ayoko talagang iabot kay Nash si Meeson para makaalis na siya pero nagwala si Meeson. Wala na akong nagawa kundi iabot kay Nash si Meeson.

Mga 2:30 AM nakatulog na si Meeson. Kaya dito na natulog si Nash, pero sa sahig siya natulog. Joke! Masyado ko namang kinakawawa si Nash, syempre sa tabi ko. Joke ulit! Masyado ko namang binibigyan ng special treatment si Nash. Natulog siya sa crib ni Meeson, Joke ulit! Last na to, natulog talaga siya sa tabi ko. Pero may unan sa pagitan namin. Kunwari ayokong makatabi siya. Pero mamaya pag nakatulog na siya, aalisin ko yun. Tapos paggising bukas, sisisihin ko siya. Bwahaha.

Micah's POV

*SIGH* "Haynako! December 15 na, andito pa rin si Kendra. Malas!" reklamo ko

"Wow, apektadong apektado ka. Ikaw ba ang inaagawan?" sabi ni Yulie

"Hindi. Pero syempre, pag nasasaktan si Kim, nasasaktan na rin ako. Bestfriend ko din yan noh." sabi ko naman

"Hmm, tama ka. Ako nga naiinis dun sa Kendra na yun eh. Kung kelan akala ko si Nash na at si Kim, dun pa siya umepal at biglang sumulpot sa storya. Hay!" sabi naman ni Yulie

"Osige, pagpatuloy niyo yan. Dito sa harap ko. Dito talaga sa harap ko, pag usapan niyo yan. Wala naman sakin yan. Ok lang. Ok na ok lang talaga" sabi naman ni Kim

"Hehe Kim andyan ka pala." sabi ko na lang. Naka-death glare kasi siya sakin eh. Bakit ko naman kasi in-open topic si kendra? Yan tuloy! =_=

"Kim, may plano ka ba this summer?" pag iiba ko ng topic

Pero hindi siya sumagot. Uwaaaah! T_T Kim naman eh, mainitin ang ulo.

Yulie's POV

Nasa field kami ni Kenchan ngayon. Nakahiga siya sa may damuhan, ako nakaupo lang sa tabi niya. As usual, nagbabasa siya ng FHM magazine. Well, tama bang sinabi kong NAGBABASA SIYA NG FHM MAGAZINE? Tsk. Ano bang dapat? Somebody tell me!

"Yulie"

"Tsk. Kenchan, kung walang kwenta din naman yung sasabihin mo, please lang wag ka nang magsalita. Magsasayang ka lang ng laway mo, dadagdag ka pa sa polusyon." agad na sinabi ko.

"Yulie naman eh. Importante tong sasabihin ko." sabi niya. This time, sumeryoso siya. Kaya sumeryoso na rin ako

"Ok. So ano ang sasabihin mo? Sabihin mo na. Kapag di naman yan importante para sakin, Naku! Patay--"

"Yulie, itigil mo na ang panliligaw mo sakin. Ayoko nang ligawan mo ako" sabi niya

Tumigil ang pagtibok ng puso ko. Hindi pala tumigil, bumagal lang. Kasi kung tumigil, edi patay na ako. Okay, BUMAGAL ANG PAGTIBOK NG PUSO KO. Parang hindi ako makahinga sa sinabi niya sakin.

Bakit naman niya ako pinapatigil? Panget ba akong manligaw? May masama ba akong ginawa? Or nakakaturn off ako?

Bakit naman? Kasi hindi ako maganda? Maganda naman ako sabi ni Kim at Micah eh. Kasi hindi ako sexy? Sexy daw ako sabi niya nung nakasando at shorts lang ako. So? Anong problema niya? Bakit niya sinasabi sakin to?

"H--huh? Hindi kita naiintindihan." sabi ko pa sakanya.

"Yulie, ayoko nang ligawan mo ako. Kasi hindi ka naman marunong manligaw eh. Last time, sabi ng daddy mo, hindi ka pa raw nagkakaroon ng manliligaw kahit kelan. Ako palang daw which is hindi naman totoo. Kaya gusto ko sanang totohanin na lang." sabi niya

"Huh? Ano bang-- wala talaga akong naiintindihan eh"

"Hay kahit kelan bobo ka talaga. Ang ibig kong sabihin ako na ang manliligaw, hindi na ikaw. Tanga!" sabi niya

"Yun lang naman pala ang sasabihin mo eh. Pinahirapan mo pa ako. Dami mo pang sinabi. Iisa din naman ang ibig sabihin. Hay! Pag bobo talaga ang kausap, ang hirap ispelengin eh." sabi ko naman sakanya

Pero kahit minumura niya ako, at kahit na minumura ko siya. Kinilig pa rin ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ba nito, eh nagkakagusto na rin siya sakin?

>/////////<

- - - - - -

Lazy's note: Masakit na ang hintuturo ko, kakatype. Kaya hanggang dito na lang muna. Masyado nang mabilis ang mga pangyayari at mangyayari, kaya humanda na kayo para ending ng story na to. :)

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon